"Hindi pa ba tayo uuwi?” nakahalukipkip na tanong ni Ashlene kay Jonathan. Inip na inip na kasi siya. “Inaayos na ni Mommy ang lahat para mamaya ay makakauwi na tayo. Sabi naman ng doktor ay okay na si Baby Zia. Si Mommy lang kasi ay naniniguro na maayos na talaga ang kalagayan ni Baby bago siya iuwi.” Lihim na napaismid si Ashlene. Wala siyang pakialam sa anak ni JL. Gayunman, hindi na lang siya umimik. Kinuha na lang niya ang magazine at nagbasa-basa. “JL?” mayamaya ay agaw-pansin ni Jonathan sa kanya. Tumingin siya rito. “Bakit?” “Do you know the woman with the burnt face who hurt you earlier?” Umiling siya pero kinabahan konti. “Syempre hindi. Baliw lang yata ‘yon,” tapos ay sagot niya na kunwa’y mas mahalaga pa ang binabasa niya kaysa sa nangyari. “Pero bakit sinasabi niya na s

