Caden INISANG lagok ko ang laman na alak ng basong aking hawak. Hindi ko na maalala kung gaano na karami ang nainom ko at 'di ko rin naman pansin ang mga boteng walang laman sa aking harapan. Nalipat ang tingin ko sa garahe at sa mga sasakyan na magkakasunod na pumasok. Binalewala ko na iyon agad nang makita na sina Sunshine at ang pamilya ni Rico ang bumaba sa sasakyan. Muli akong nagsalin ng alak sa baso at akma iyon lalagukin ngunit nahinto ng bumukas lahat ng ilaw sa buong kabahayan. Nasilaw ako ngunit agad din naman ako nakabawi at tinuloy na ang pag-inom. “Kanina pa dito?” tanong ni Sunshine sa akin na hindi ko sinagot. “Kumain ka na ba?” Hindi pa rin ako sumagot at patuloy lang sa pag-inom. I heard Sunshine heave a deep sigh before turning her back off me. Can't she say to my fac