Sunshine MARAHAN ko hinilot ang balikat ko matapos patayin ang aking company laptop. It's been a long day for me and the baby inside my womb. Ngayon nga lang ako nakatagal sa opisina pero maraming beses pa rin na nagpabalik-balik ako sa banyo. Kung 'di nasusuka, naiihi naman kaya hassle din at parang gusto ko na sa banyo na lang mag-opisina. Mabuti na lang at naiintindihan ako ni Sheena dahil naranasan niya rin itong nararanasan ko noon. May mga advise siya sa akin para hindi lagi nasusuka na susundin ko kaya didiretso ako sa grocery store ngayon. Maayos ko inusod ang laptop saka kinuha ang tumbler ko at marahang tumayo na. I smiled when I received a call from Caden which I immediately answered. “Hey, what's up?” tanong ko sa kanya. I carefully walk towards na elevator lobby. Binati ko