Matapos siyang halikan sa labi ay niyakap siya ng lalaki. Hindi na siya nag-inarte pa ay niyakap niya rin ito. Ganoon pala ang feeling kapag nabasag mo na ang pader na naharang sa inyong dalawa. Kayap yakap nila ang isa't isa nang maybisang munting kamay na yumakap din sa kanila. Nagkatinginan silang dalawa saka nagngitian. "Mukhang nagseselos ang baby natin ah," bulong ni Jeremy sa kanya. "Pwede na sigurong sundan," dagdag pa nito. Kinurot niya ito sa tagiliran nito. "Ikaw talaga. Ngayon nga lang tayo nagkasundo eh. Hindi ka pa nga nanligaw eh," pabirong saad dito saka naalalang hindi pala sila dumaan sa ligawan dahil kasal agad. "Paano naman po kasi ako manliligaw eh ikaw ang nanligaw sa akin," yabang na birong turan nito. "Ay hindi rin makapal ang mukha mo ha," aniya sabay pisil sa

