Wala nang inaksaya pa si Jeremy at pinuntahan ang mag-ina niya sa ospital na sinabi ng ama. Nang makarating ay tulog ang mag-ina at sa gilid naman ng nga ito si Manang Minda. Maingat siyang pumasok para hindi magambala ang mga ito. Lumapit siya sa mag-ina at napangiti siya sa nakikita. Tuwang tuwa siya habang pinagmamasdan ang mga ito. Hindi niya tuloy maikompara ang nararamdaman ngayon na nakita ang anak kay Georgina nang makita ang anak kay Melissa. Naalimpungatan si Georgina nang maramdaman ang presensiya sa kanyang tabi. Nang magdilat ng mga mata ay nakita ang lalaking kanina pa nais makita. Nakatingin lamang ito sa kanya, gaya ng dati ay wala pa rin yatang balak magsalita ito. Kaya minabuting huwag na rin itong kibuhin. Nang maya-maya ay umingit ang anak na nasa tabi. Dahilan par

