Chapter 1
"Ano?! Makikipaghiwalay ka kay Roger?" Halos lumabas sa bibig ni Danica ang kinakain niyang cheesecake nang sabihin ko sakanya ang aking plano
Sinenyasan ko si Danica na hinaan niya ang kanyang boses. Nakakahiya sa mga taong napapatingin samin rito sa loob ng coffee shop kung saan ko siya dinala upang kausapin.
She's my bestfriend. Mula pa noong highschool kami ay nakasanayan na naming sabihin sa isat-isa ang mga problema namin. Magkadikit na yata ang bituka namin ng bestfriend kong ito
"Shhh. Hinaan mo boses mo Dan.."
"Binigla mo naman kasi ako Ayesha eh." Napatingin rin ito sa mga taong napapataas ang kilay dahil nagulat sa pagsigaw niya
"Kailangan kong gawin to Dan, wala na akong ibang maisip gawin kundi hiwalayan si Roger. Alam kong hindi niya matatangap ang misyon ko kay Mrs.Carolina.." Napabuntong hininga ako.
"My God Ayesha. Nag-iisip ka ba talaga friend? Bakit mo tinangap yung offer sayo? Mali yang gagawin mo. Kalokohan yan."
"Alam kong mali. Pero wala eh, malaking pera ang ibabayad sakin at hindi ko iyon matatangihan lalo na ngayon. Kailangan ako ni nanay Cora.." Bahagya pa akong napapiyok nang mabangit ko ang pangalan ng nanay ko. Ang babaeng nagmahal at kumumkop sakin higit pa sa tunay na anak.
Ininom ko muna ang ice coffee na inorder ko upang mahimasmasan ako. Nagiging emosyonal nanaman kasi ako.
"Pero--"
"Lahat gagawin ko Dan, Para kay nanay. Kailangan ko rin bayaran lahat ng utang ni tatay Ben. Kung ito lang ang paraan para mapagamot ko ang nanay ko kahit isanla ko ang kaluluwa ko kay Mrs.Carolina gagawin ko.."
Saglit na hindi kumibo ang bestfriend ko. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang awa at pag-unawa sa sitwasyon ko.
"Paano na ang kasal niyo ni Roger? Hindi nanaman matutuloy? Makikipaghiwalay ka ba talaga sakanya? Kawawa naman yung tao. Ang tagal na ng relasyon niyo."
Napalunok ako ng maalala ko si Roger. Ang long time boyfriend ko. Six years na ang relasyon namin ni Roger. Pareho silang bestfriend ko ni Danica mula pa noong highschool. Ngunit niligawan ako ni Roger at umamin siya sakin na higit sa pagkakaibigan ang nararamdaman niya para sakin. Kaya naman naging magkarelasyon kami. Last year ikakasal na sana kami ngunit nalaman namin na may breast cancer si nanay Cora kaya hindi muna namin iyon itinuloy.
"K-Kailangan kong pakawalan si Roger.. Mas masasaktan siya kung itatago ko sakanya ang gagawin ko habang magkarelasyon kami. Kaya mas mabuti pang hiwalayan ko na siya. Walang ibang mahalaga sakin ngayon kundi ang kalusugan ng nanay ko.."
Namula ang mga mata namin pareho ni Danica. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya upang yakapin ako.
"I'm sorry Ayesha. Poorita ako. Wala akong maitulong sayo friend. Kailangan mo pa tuloy pagdaan lahat ng ito. Alam ko mahirap para sayo ang gagawin mo.."
Pinigilan kong maluha pero nakakainis tong bestfriend ko naging emosyonal kaya bumuhos tuloy ang luha ko
"Dan. Natatakot ako. Sana mabuhay pa si nanay.." Iyon talaga ang kinatatakutan ko. Iyon ang nagpapabigat ng loob ko ngayon.
Kung pwede nga lang ako nalang ang sumalo ng sakit ng nanay ko, gagawin ko eh.
"Be strong my friend.. Be strong.." Iyon lang ang sinabi ni Danica. Hindi na niya ako kinuwestiyon tungkol sa desisyon ko. Pinayuhan lang niya akong mag-iingat sa gagawin kong misyon dahil hindi simpleng tao ang aakitin ko.
Pagkatapos namin mag-usap sa coffeeshop nagpaalam na rin ako kay Danica. Kailangan ko pa kasing makausap si Roger.
Itetext ko sana si Roger na pupunta ako sa bahay nila, pero nalowbat ang cellphone ko kaya't minabuti ko nalang dumiretso doon nang hindi ko pinapaalam sakanya
Naroon lang naman iyon sa bahay nila kapag ganitong oras. Alas-siete na ng gabi kaya't panigurado nasa bahay na nila iyon.
Isang empleyado si Roger sa makati. Maganda ang kumpanyang pinagtatrabahuhan niya kaya malaki ang sinasahod niya kumpara samin ni Danica. Sabay sabay kaming gumraduate sa kursong business management noong college kami. Pero si Roger lang ang sinuwerteng makahanap ng magandang trabaho.
Napabuntong hininga ako nang makarating ako sa tapat mismo ng bahay nila Roger. Humugot muna ako ng hininga bago ko katukin ang pintuan.
Kinakabahan ako dahil hindi ko sigurado kung anong magiging reaksiyon ni Roger kapag nakipaghiwalay na ako sakanya.
Ngayon palang nanghihina na ako. Mahal ko si Roger. Kahit anim na taon na ang relasyon naming dalawa ay nananatili parin ang respeto niya sa akin. Hangang halik lamang sa pisngi ang nagagawa niya at paghawak sa kamay ko. Maliban doon ay wala na. May usapan kasi kami na hahalikan niya lang ako sa aking labi sa araw ng kasal namin.
Muli akong kumatok. Wala yatang tao?
Sumilip ako sa bintana ng bahay nila roger. Maliit lang ang bahay ni Roger pero maayos naman kahit papaano.
Mag-isa lang si Roger sa bahay na iyon dahil taga probinsya ang pamilya nito.
"Roger?" Tawag ko sa pangalan ng nobyo ko
Napansin kong nakabukas ang ilaw ng bahay niya kaya alam kong nasa loob siya.
Marahil naliligo?
Minabuti kong maghintay ng ilang minuto baka sakali kasing nasa banyo lang ito.
Ngunit napatingin ako sa gilid ng pintuan. May isang pares doon ng sapatos pang babae? Kanino ito? Bakit may pangbabaeng sapatos sa harap ng pintuan ng bahay ni Roger?
Kulay pula ang sapatos na iyon kaya parang nagkaroon ako ng kutob. May kasama bang ibang babae si Roger sa loob ng bahay niya?
Binundol ng kaba ang puso ko. Sinubukan kong buksan ang pintuan. Lalo akong kinabahan nang mabuksan ko iyon, narinig ko kasi agad ang hagikgik ng isang babae.
"Roger ay, nakikiliti ako anu ka ba babe!" Halos napapatili ang babae sa loob ng banyo.
Parang dinagukan ang puso ko nang marinig ko ang halakhak ni Roger.
"Nakakagigil ka Anne. Ang sarap mo"
Napakuyom ang kamao ko. Kung hindi ako nag-absent ngayon sa night bar, hindi ko pa malalaman na nagtataksil sakin si Roger?
Napuno ng galit ang puso ko. Mabuti nalang pala tinangap ko ang offer ni Mrs.Carolina, mabuti nalang pinili ko ang buhay ng nanay Cora ko kaysa sa pagmamahal ko sa manlolokong lalakeng ito.
Tumuloy parin ako sa loob ng bahay ni Roger. Kailangan ko ng tapusin ang lahat lahat sa amin ni Roger.
Nilakasan ko ang loob ko upang buksan ang pintuan ng banyo. Kapwa silang nagulat nang mabuksan ko ang pintuan
Nawala agad ang malokong ngiti ni Roger habang naka-subsob pa sa dibdib ng babaeng nasa-ibabaw niya.
Never kong pinag-isipan ng masama si Roger dahil hindi naman ito katulad ng ibang lalake, napaka-loyal ni Roger sakin. Pero akala ko lang pala iyon.
"H-Honey" Namutlang sambit ni Roger nang mapatingin siya sa blangkong mukha ko
Napatili naman ang babae at mabilis itong umalis sa ibabaw ni Roger.
Napatalikod agad ako dahil muntik ko na makita ang pribadong parte ng katawan ni Roger nang hugutin nito iyon mula sa katawan ng babae
Kinuha agad nung malanding babae yung tuwalya upang ipangtakip niya sa katawan niya
"H-Honey! Wait! Magpapaliwanag ako--"
Hinabol ako ni Roger nang tumakbo ako palabas ng bahay niya.
"Bitawan mo ko!" Palag ko nang hawakan niya ang braso ko
Ewan ko ba pero bigla akong nandiri kay Roger.
"Sorry Honey! Sorry! Magpapaliwanag ako--"
"Magpapaliwanag? Nagpapatawa ka ba?" Natawa ako ng pagak. Hindi parin ako lumilingon sakanya dahil ayokong makita ang katawan niya. Manloloko siya! Wala naman siyang abs!
Naramdaman kong lumuhod siya sa likod ko.
"Sorry na honey! Hindi ko sinasadya lasing lang kami--" Niyakap niya yung mga binti ko
"Ang aga niyo namang malasing? Alasiete palang oh? Ano yan tanghaliaan palang nag-iinuman na kayo? Pwede ba? Bitawan mo ko! Tatadyakan kita diyan kapag hindi mo ko binitawan!"
Sa sobrang galit ko napasigaw na ako. Balak ko lang sana makipaghiwalay ng maayos kay Roger pero hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari. Balak ko pa nga ikwento sakanya yung deal namin ni Mrs.Carolina baka sakali kasi maunawaan niya ako.
Pero makikita ko lang pala siyang may kasamang ibang babae!
"Kailan mo pa ako niloloko Roger?"
"Promise hindi kita niloloko Ayesha. Ikaw lang ang mahal ko honey! Hindi ko lang napigilan ang pangangailangan ko bilang lalake. Anong gagawin ko? Kahit isang halik sa labi mo hindi ko magawa. Lalake parin ako Ayesha. Sana maunawaan mo--"
"Shuta ka!" Hindi ko na napigilan natadyakan ko ng malakas si Roger. Hindi naman ako kabayo pero nagawa kong tadyakan siya
Nahighblood kasi ako ng sisihin niya pa ako sa pangbababae niya
Hindi ko na siya nilingon. Hinubad ko yung engagement ring na binigay niya sakin last year mula sa palasingsingan ko, tapos binato ko yun sakanya. Pumikit muna ako para di ko makita yung kahubaran niya. Ayoko ngang makita ang hubad niyang katawan baka matrauma ako eh!
"Tinatapos ko na ang lahat satin Roger! Ituloy niyo na ang ginagawa niyo ng babae mo baka magkasakit ka pa sa puson mo eh!"
Patakbo kong nilabas ang bahay ni Roger kahit rinig na rinig ko ang pagmamakaawa sa boses ni Roger habang tinatawag ng paulit ulit ang pangalan ko