Beauty

1495 Words
Chapter 2 Naghihintay ako sa tapat ng building kung saan ako pinapunta ni Mrs.Carolina. She texted me earlier na dito daw niya ako susunduin around ten in the morning. Mag-aalas-nuebe palang ng umaga narito na ako dahil ayokong malate sa usapan namin. Ito ang unang araw ko upang gampanan ang aming napagkasunduan. "Miss beautiful may hinihintay ka ba?" Nilingon ko si manong guard na lumapit sa likuran ko. Mukhang mabait naman ito dahil maganda ang pagkakangiti niya sa akin. Napangiti rin ako dahil pasimple kong naramdaman na maganda ako sa araw na ito. Pinaghandaan ko kasi talaga ang unang araw na pagkikita namin ni Mr.Kiel. Isinuot ko ang pinakamagandang damit ko. Pamasko ko pa ito last year. Pero ito ang pinakamaganda sa mga damit ko dahil regalo ito sakin ni Dan. Simple white floral dress na hangang tuhod ko. Sa tuwing sinusuot ko ito palagi akong napupuri ng mga tao sa paligid ko kaya naman ito ang napili kong suotin. Kinulot ko rin ang mahabang buhok ko. Hindi nga lang ako marunong magkulot ng buhok gamit ang mga rollers ni nanay pero okay naman ang kinalabasan. Nagpahid rin ako ng kaunting makeup katulad ng makeup ko tuwing duty ako sa night bar bilang waitress. "Magandang umaga po manong. Opo may hinihintay lang po ako.." Saglit akong napatingin sa relong pambisig ko. Luma na iyon pero gumagana pa naman sa tuwing pinapalitan ko ng battery. Limang minuto pa bago mag alas-diyes. "Ganoon ba? Napakaganda mo naman. Mag-aapply ka ba ng trabaho dito sa Jackpot World?" Tinutukoy ni manong guard ang kumpanyang kinatatayuan ko ngayon. Jackpot World. Ito ang pinakamalaking gaming company sa buong Pilipinas. Ito ang pagmamay-ari ng mga Monteverde's. Milyon milyon ang papremyo ng kumpanya sa bawat laro. Umiling ako "Nako hindi po manong. May hinihintay lang po ako.." "Maupo ka muna doon sa loob? Kanina ka pa namin nakikita ditong nakatayo. Baka nangangalay kana?" Nais kong mapangiwi dahil type pa yata ako ni manong guard. Itinuro niya yung loob ng building kung saan may mga empleyadong labas masok sa loob ng rotating door. Natatakot akong pumasok sa loob ng malaking pintuan na iyon baka madapa ako. Hindi ako sanay pumasok sa ganong klaseng pintuan. Kaya mas okay na sakin maghintay dito sa labas sa bandang gilid lang naman ako naghihintay "Hindi po. Ayos lang po ako. Salamat po" Magalang kong pagtangi kay manong guard. "Sigurado ka ba miss beautiful?" Ngumiti ako na para bang napapangiwi na rin. "E-Eh opo. Salamat po" Magalang ko paring sagot kay manong. Mukhang mabait naman kasi si manong pero pasimpleng humihirit kaya kinikilabutan ako. Mas matanda pa kasi siya sa tatay Ben ko eh. Pumoporma pa itong si manong. "Osige basta kapag nangalay ka kakatayo riyan pumasok ka lang sa loob may waiting area naman doon, may sofa at aircon pa" Tipid na ngiti nalang ang sinagot ko. "Ano palang pangalan mo?" "Ayesha ho" "Ang ganda naman. Kasing ganda mo" Mapapangiwi na sana ako mabuti nalang nag-ring na ang cellphone ko. Tumatawag si Mrs.Carolina kaya nag-excuse ako kay manong guard upang sagutin ang tawag. Lumayo ako ng kaunti. "Hello po Mrs.Carolina--" "Get inside the black car infront of you. Sa likod ka sumakay" Utos niya sakin bago niya pinutol ang koneksyon namin Napatingin naman agad ako sa kotseng nasa harapan ko. May sampung baitang na hagdanan pababa mula sa kinatatayuan ko hangang sa kinapaparadahan ng itim na kotse kaya bumaba na agad ako ng hagdanan upang sumakay sa kotse ni Mrs.Carolina Naalala ko tuloy yung hagdanan na binabaan ni cinderella noon. Ganito kasi ang style ng harapan ng building eh. May malaking hagdanan na gawa sa salamin. Nakakatakot baka madulas ako. Nahihiya akong pumasok sa loob ng kotseng itim. Pero kusang bumukas ang pinto sa likod kaya naman derederetso na akong pumasok doon Napalunok ako nang makita ko si Mrs.Carolina na nakaupo sa likuran. Nahihiya akong tumabi sakanya. "G-Good morning po" Bati ko pagsara ko ng pinto Tinaasan niya lang ako ng kilay. Tinignan niya ako mula ulo hangang paa ko na para bang sinusuri ang kabuoan ko "What kind of seductress are you? Ano yang basahan na suot mo? Sa tingin mo ba maakit mo ang asawa ko nang ganyan ang itsura mo?" Kunot nuong tanong ni Mrs.Carolina nang hindi niya magustuhan ang itsura ko ngayon "Ito lang po kinayanan ko. Hindi ako marunong mag-ayos--" "Duh! Diba binayaran na kita ng pera? Sana nagpasalon ka naman at bumili ng maayos na damit." Napahawak pa si Mrs.Carolina sa sintido niya na parang nastress siya sa akin Napayuko nalang ako. Medyo nahiya rin ako dahil basahan lang ang tingin niya sa damit na pinakamaganda para sakin. Hindi ko rin gagastusin ang perang binayad niya sakin para lang bumili ng bagong damit. So far iced coffee palang ang nabibili ko para sa sarili ko gamit ang perang iyon. Dahil bawat singkong duling sa pera na iyon ay para lamang sa magulang ko. They need it more than i need it. Hindi ko naman masabi kay Mrs.Carolina ang rason ko baka isipin niya pang nagpapaawa ako "Sorry po" Iyon nalang ang lumabas sa bibig ko. "Gosh. Henry dalhin mo muna kami sa salon." Iritableng utos ni Mrs. Carolina sa driver ng kotse. Agad naman nitong sinunod si Mrs.Carolina Tahimik lang ako habang nasa loob ng kotse. Hindi rin ako kinakausap ni Mrs.Carolina dahil busy siya sa cellphone niya. Mukhang ipapa-makeover pa ako ni madam ha? Sayang naman ang effort kong magising ng alasingko ng madaling araw kanina para lamang maghanda sa araw na ito. Hindi naman pala magugustuhan ni madam ang itsura ko. Ilan taon na kaya tong si Mrs.Carolina? Mukhang matanda lang siya ng isa o dalawang taon sakin eh? O baka nga mas matanda pa ako sakanya. Pasimple kong pinagmasdan si Mrs.Carolina. Maganda siya at mukhang elegante. Siguro ganito nga talaga ang type ni Mr. Kiel? Iyon bang sopistikada? Pero mukhang masungit. "What are you looking at?" mataray na tanong niya sakin nang mapansin niya tinitignan ko siya Agad naman akong napangiwi. "Sorry ma'am ang ganda niyo po kasi. Pwede po bang magtanong? Bakit niyo po gustong magbayad ng babae para lang maging kabit ng asawa niyo?" Napataas ang kilay niya. "I want a divorce. May ibang babae ang asawa ko. Hindi na ako masaya sa relasyon namin. Hindi ko sila mahuli kaya ikaw nalang ang ipapain ko. Kaya gawin mo ang lahat para maging kabit ka ng asawa ko. Do anything to make him crazy about you. Kiss him, flirt with him and have s3x with him. Just make sure you record everything." Napalunok ako. Ibig sabihin gusto ng makipaghiwalay ni Mrs.Carolina kay Mr.Kiel? Magtatanong pa sana ako pero nakarating na kami sa salon. "Sa tuwing magkikita kayo ng asawa ko, pumunta ka muna dito sa salon na ito at sila na ang bahalang magbihis at mag ayos sayo" Halos pabulong lang iyon para hindi marinig ng ibang tao Napanganga ako sa sinabi ni madam. Narito kami sa loob ng salon habang kinakausap niya ang mga stylist. "Babalikan kita rito mamaya kapag natapos kana nilang gawing tao. Then you will meet my husband later. Ipaligo mo ang perfume para mawala ang bad smell mo. Mag toothbrush ka ng maige ha. Ayaw ng asawa ko sa badbreath." Tinignan niya ako na parang nandidiri sakin. Grabe naman. Bad smell? Bad breath? Uy grabe si madam ha? Makapanghusga wagas. Ang bango bango ko nga amoy baby cologne ako at wala rin akong bad breath dahil alagang alaga ko ang mga ngipin ko. Pati dila ko palaging malinis. Mahirap lang kami pero malinis ako sa pangangatawan "Grabe ka madam.." Napapangusong sambit ko habang nakatingin sa papalayong likuran ni Mrs.Carolina. Kumekendeng pa iyon papalayo. Nakarinig ako ng mahinang pagtawa sa likod ko. Isang magandang babae ang nakita kong natatawa. Mukhang narinig niya ang sinabi ni madam. "Don't mind her. Ganoon lang talaga si Carolina. Super arte. Hindi ka naman mabaho, infact amoy baby cologne ka nga ma'am." Napangiti ako dahil mukhang friendly yung babaeng stylist. "Kaya nga naconsious tuloy ako.." Pasimple kong inamoy ang sarili ko kaya lalo siyang napangiti. "Don't mind her. Halika na pagagandahin ka pa namin lalo." "Sure ka ba ate hindi ako mabaho?" Napapangusong tanong ko Ngumiti lang siya habang naglalakad na kami patungo sa isang room. Parang hotel ang salon na ito. Maraming rooms eh. "Opo ma'am. At ang ganda ganda mo kahit ganyan lang ang ayos mo. Mabango ka rin. Iba lang talaga ang standards ni Mrs. Carolina" Napaisip ako. Baka pareho sila ng standards ni Mr.Kiel? "Ate pagandahin mo ko. Kung gusto mo balatan mo ako ng buhay para kuminis ako katulad ng balat ni Mrs.Carolina gawin mo ha?" Napatawa ko siya ng malakas. "I like you na ma'am. Hindi na kailangan dahil makinis ka naman ma'am. Konting makeover lang mas higit na gaganda ka pa doon kay Mrs.Carolina." Napangiti naman ako. "I like you na rin ate. Sige makeover niyo na po ako." Nasabik akong magpamakeover Ang lakas naman kasi ni Mrs.Carolina makapaglaglag ng confidence eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD