Chapter 3
"May libre ba kayong food dito?"
Napapahawak ako sa sikmura kong nag-aalburoto na sa gutom. Paano ba naman, hindi pa ako nag-lalunch. Simula ng dalhin ako rito ni Mrs.Carolina sa Jackpot Salon, hindi pa ako kumakain. Ilang oras akong pinaganda ng mga staff ng salon kaya inabot na kami ng gabi.
Alas-otso na ng gabi!
Gutom na gutom na talaga ako. Bakit ba kasi ang dami daming ginawang kaartehan sa katawan ko? Body scrub, diamond body peeling. Body oil moisturizing scrub at kung ano ano pang scrub ang ginawa sa katawan ko. Feel ko tuloy lahat ng libag ko maski sa kasingit-singitan ko tinangal na talaga nila ng husto.
"Wala ho ma'am. At parating na rin po ang sundo niyo sakanila nalang po kayo manghingi ng food."
Napanguso ako. Hindi ko tuloy naappreciate ang pag-transform nila sakin mula sa isang basahan na naging diyosa ng kagandahan.
Hindi ko na nga makilala ang sarili ko kapag haharap ako sa salamin. Akala ko nakakita ako ng diyosa eh. Ibang klase pala talaga ang nagagawa ng pera para gumanda lalo ang isang tao.
Yung balat ko kanina medyo dry na hindi naman kasi ako mahilig mag lotion, ligo lang sapat na sakin noon pero ngayon kasing lambot na ng balat ng baby tong balat ko
"Anu ba yan, maganda nga ako gutom naman.." Mahinang reklamo ko habang napapahawak sa tiyan ko.
Napakasexy ng damit ko ngayon at mukhang hindi biro ang presyo. Natatakot nga akong kumilos ng husto dahil baka mapunit o masira ko itong black dress na suot ko. Ayokong magbayad no.
Napangiti ako nang matanaw ko na muli yung kotseng itim ni madam Carolina.
"Sa wakas makakachibog na ako.." Napapangiting sambit ko.
Katulad kaninang umaga, automatikong bumukas ang pinto ng kotse sa bandang likuran kaya't pumasok na ako doon
Nakataas ang kilay ni madam Carolina nang makapasok ako sa loob
"Hello madam este Mrs.Carolina.." Bati ko kay madam pagkapasok ko ng kotse niya
"See? Nagmukha kang tao. Bibigyan ko sila ng tip for making you beautiful tonight." Napapangiting sambit ni madam habang nakatingin sa akin. Mukhang pasado na kay madam ang kagandahan ko.
Maya maya pa inutusan na niyang magmaneho si manong driver.
"For sure mapapansin ka ng asawa kong babaero. Mahilig sa maganda ang isang iyon eh"
Hindi ko alam kung ngingiti ako o hindi dahil nag-flip pa ng kanyang buhok si madam Caroline na para bang gandang ganda siya sa sarili niya.
Well totoo namang maganda si madam.
"Mrs.Carolina pwede ho bang kumain muna ako--"
"No. Mamaya kana kumain. Doon kana kumain sa bar. Here's your vip card.." May inilabas na itim na card si madam mula sa pouch bag niya at iniabot niya iyon sakin
May nakasulat na VIP sa itim na card na iyon.
"Para saan po ito?"
"Iyan ang bar na palaging pinupuntahan ng asawa ko after work. Ipapakilala sana kita sakanya kaninang umaga pero i change my plans. Mahahalata niya ang plano natin kapag ako ang nagpakilala sayo. So i want you to make the first move."
"Ho?"
Huminto ang kotse ni madam sa harap ng isang malaking gusali. Iyon ang pinakamalaking bar sa buong Pilipinas. Ang Hoffman Bar.
Mga kilalang personalidad lamang ang nakakapasok sa bar na iyon. In short pang mayaman lang ang lugar.
"Nariyan sa loob ng bar na yan ang asawa ko. Makipagkilala ka sakanya. Akitin mo siya hangang sa magawa mo na ang misyon mo. Kung magagawa mo tonight ang pakikipag-s3x sa asawa ko much better. Tapos na agad ang misyon mo sakin at babayaran na kita ng another one million pesos."
Nanlaki ang mata ko.
"But makesure malinaw mong marerecord ang pag-tatalik niyo. Malinaw dapat ang mukha ng asawa ko sa s3x video niyo. I don't care kung saan o kailan mo yan magagawa. Pero kung ako sayo gagawin ko as soon as possible para makuha mo na agad ang kabuoan sa ibabayad ko sayo. Here's the hidden cameras."
Napatingin ako sa tatlong cube na maliit na camera na ibinigay ni madam sa aking kamay.
Maliit na camera ang mga iyon.
"Ito naman yung charger ng mga camera." May iniabot siyang parang usb charger sa akin.
"Ibig mong sabihin Mrs.Carolina, kailangan kong ilagay ang hidden camera habang nag-aanu kami ng asawa mo? Paano po ba ito gamitin?"
Napaikot sa ere ang kanyang mata.
"So dumb. Ganito lang yan.." Itinuro sakin ni madam kung paano iyon gamitin. Madali lang naman pala.
Pero ang mahirap at challenging na part ay kung paano ko iyon maitatago ng palihim kay Mr.Kiel ?
"Iwasan mong mabuko ang plano natin dahil babawiin ko sayo ang binayad ko kapag pumalpak ka. Understood?" Mataray niyang paalala sakin
Napalunok naman ako ng mariin dahil natakot akong bawiin ni madam ang pera.
Hindi maaari.
Kailangan namin ng pera. Katunayan niyan naibayad ko na ang kalahating milyon sa mga pinagkakautangan ng tatay ko. Ang kalahati naman ay para sa tuloy tuloy na gamutan ng nanay ko.
"Walang bawian. Basta gagawin ko ang lahat ng best ko. Papatirikin ko ang mata ng asawa niyo hangang sa maging puti na ang mata niya. Promise po yan"
"Whatever" Umikot muli ang mata ni madam sa ere na tila naiirita sakin
Lihim akong napangiti. Pero agad rin akong napahawak sa tiyan ko dahil nagugutom na talaga ako.
"Anyway, go now. Unahan mo na ang ibang babae. Baka maunahan ka pa ng iba.."
"Madam wala bang libreng food and drinks--"
"Duh? You have your VIP card, kahit anong orderin mo sa bar na iyan maaari mong kainin o inumin. Kaya sige na bumaba kana nakakahigh blood kang kausap eh.."
"Okay po madam" Nag-ningning ang mga mata ko sa kasabikan. Sa wakas makakachibog nako ng pagkain sa loob.
Inilagay ko muna sa bag ko yung hidden camera. Nasa bag ko rin yung damit ko at sapatos ko kanina. Nakita iyon ni madam.
"What the--Ano yang bag mo? Bakit may dala kang basura?"
"Ho? Hindi po ito basura. Ito po yung damit kong suot kanina--"
"Whatever!" Gigil niyang sambit bago niya inutusan si manong driver na kunin ang extra bag niya sa likod ng kotse
Napanganga ako ng ibigay sakin ni madam ang isang magandang cute black na bag.
"Ito ang gamitin mong bag. Itapon mo na yang bag mo"
"Wow. Ang ganda!" Bulalas ko.
Napapailing nalang si madam at parang sumasakit ang ulo niya sa akin.
"Palitan mo yang lipstick mo. Ito ang gamitin mo. Red para magmukha kang hot. Mukha kang inosente eh"
Hindi agad ako nakakilos kaya si madam na mismo naglagay ng lipstick sa nguso ko.
"See? Mas bagay sayo yang color red na yan. Perfect! Maaakit mo si Kiel panigurado"
Napapangiwi ako dahil kakaiba si madam sa lahat ng asawa sa buong mundo. Ito lang yata ang asawa na masaya sa pagkakaroon ng kabit ng asawa niya?
Baliw ba ang babaeng ito?
"Salamat po" Napapangiwi talaga ako.
Pati si manong driver naweweirdohan kay Mrs.Carolina pero hindi nalang kumikibo.
"Totoo ba tong dibdib mo or foam lang?"
Nanlaki ang mata ko ng pindutin ni madam ang hinaharap ko!
"Totoo po yan!"
Nahiya tuloy ako dahil hindi ako sanay na may nakakahawak ng ganon sakin. Nababaliw na yata talaga tong si madam. Sino ba naman matinong babae ang pipindot ng dibdib ng kapwa babae? Lalo na't hindi pa naman kami close. Hay naku!
Tumaas kilay niya sakin at parang naingit pa.
"Good. Ganyan ang gusto ng asawa ko eh. Yung tunay na babae niya kasi malaki ang hinaharap. Kaya mabuti naman at totoo yang sayo. Mas madali mong maaagaw ang asawa ko sa kabit niya."
"Mahilig ho pala sa diyoga ang asawa niyo. Bakit po kayo ang pinakasalan?" Biro ko sakanya dahil napansin kong flatchested siya
"Aba't?! Are you crazy?"
"Joke lang po! Peace. Sige po mauna na ako at gutom na gutom nako este para magawa ko na ang misyon ko po. Iwan ko nalang po muna dito yung lumang bag ko babalikan ko nalang po ito sainyo ha? Huwag niyo po sana itapon dahil mahalaga sakin ang bag ko na yan."
"Oo na! Sige na bumaba kana. Galingan mo ha! Go fúck my cheater husband!"
"Oho!"
Mabilis akong bumaba ng kotse ni madam. Nababaliw na nga yata yun si madam. Nakakabaliw palang maging asawa si Mr.Kiel?
Pagpasok ko sa bar medyo nahiya ako. Ang gaganda at ang gagwapo kasi ng mga taong nakasalubong ko.
Ipinakita ko agad ang VIP card ko doon sa reception. Astig parang hotel lang. May sariling reception area yung bar.
"Hi miss"
"Hello manong." Bati ko sa isang lalake na nakasalubong ko. Napansin kong napapatingin sakin yung ibang mga lalake.
Nagagandahan ba sila sakin o naninibago? Baka kasi magkakakilala na sila dito eh. Agaw eksena yata ang pagpasok ko sa loob. Ang dami kasing napapatingin.
"Aw. Manong? Grabe ka miss." Nakangiting sambit ng lalake. Gwapo siya pero medyo may edad na kaya hindi ko siya bet. Chariz!
"Sorry po."
"That's okay miss?"
"Ayesha po" Sagot ko sakanya dahil parang tinatanong niya ang pangalan ko
"What beautiful name. I'm Paul--"
"Nice to meet you po. Pero pwede po bang magtanong?" Putol ko agad sa sinasabi nung lalake.
"Yeah yeah sure." May hawak siyang kopita ininuman niya iyon habang tinitignan ako mula ulo hangang paa ko. Parang napangisi siya nang mapatingin sa malaking hinaharap ko na halatang halata sa suot kong dress ngayon
"Kilala niyo po ba si Mr.Kiel Monteverde?"
Tumaas ng bahagya ang kilay nung lalakeng Paul daw ang pangalan.
"Why? Anong kailangan mo kay Kiel? Do you know him?"
Napalunok naman ako.
Hindi agad ako nakaisip ng sasabihin ko.
"May itatanong lang po ako sakanyang importante.." Iyon nalang ang sinabi ko
"Naroon siya sa vip table and i think he's already looking at you"
May itinuro si Paul na table sa bandang dulo. Madilim ang loob ng bar pero maaninag pa naman ang mga mukha ng mga tao doon
Parang tumalon ang puso ko nang magkasalubong ang aming paningin ni Mr. Kiel Monteverde!!!
Malayo palang nagsusumigaw na ang kagwapuhang taglay niya!
Napakunot ang nuo nito nang sabay kaming tumingin ni Paul sa kinauupuan niya. Nagtaka siguro siya kung bakit siya tinuro ni Paul.
Bumilis yung pagtibok ng puso ko dahil nakatingin sakin ngayon ang isang Kiel Monteverde!
"S-Samahan niyo naman po ako papunta don" Para akong batang nanghingi ng tulong kay Paul kaya natawa siya
"Mabait yan si Kiel pero nangangat yan ng kasing ganda mo kaya mag-ingat ka. Come ihatid kita sakanya"
Napapalunok ako habang papalapit kami ni Paul sa kinauupuan ni Mr. Kiel. Hindi rin niya inaalis ang tingin niya sakin habang naglalakad kami.
Lalong nagtataka at napapakunot ang nuo ni Mr. Kiel habang papalapit ako sakanya.
Lalo rin siyang gumagwapo habang mas lumalapit ang view ko sa gwapong mukha niya. Grabe ibang iba ang kagwapuhan niya sa personal kaysa sa TV!
"Kiel may naghahanap sayo may itatanong daw siyang importante sayo eh." Nakangising sambit ni Paul bago niya ako iniwan sa harap mismo ni Kiel Monteverde
Bahagya niya lang ako tinaasan ng kilay.
"H-Hello?" Napapiyok pa ako nang magsalita ako. Parang nanghihina kasi ang tuhod ko sa sobrang kagwapuhan ni Mr. Kiel sa personal.
Kunot nuo siyang tumayo. Napatingala ako kasi ang tangkad pala niya.
"Anong itatanong mo?"
Hihimatayin na yata ako sa ganda ng boses ni Kiel. Boses palang ulam na!
"Anong ulam dito? Este ano po. Anong makakain dito?" Kung ano anong lumabas sa bibig ko dahil sa pagkataranta ko
Kumunot lalo ang nuo niya
"What?"
Kumulo ang tiyan ko. Sa tingin ko narinig niya iyon dahil mahina lang ang music sa bandang pwesto namin.
Grabe nakakahiya!
"N-Nagugutom na kasi ako"
"Hinanap mo ako para lang magtanong kung saan pwedeng kumain?" Napapantastikuhang tanong ni Kiel sakin
Parang gusto ko naman lumubog sa lupa. Palpak na agad ang first impression ni Kiel sakin
"Kung gusto mo ikaw nalang ang kainin ko?"
"What the--?" Lalong kumunot ang nuo niya kaya napangiwi ako
Diyos ko. Hindi naman kasi ako marunong mang-akit eh! Tapos gutom pa ako.
"O-One night stand? Gusto mo?" Alok ko sakanya
Saglit siyang natigilan at lalong napasimangot. Lagot na!