Chapter 33 "Anak malalim yata ang iniisip mo?" Napabaling ako sa nanay Cora ko nang maramdaman ko ang malamig niyang kamay sa kaliwang pisngi ko Kasalukuyan kong binabantayan si nanay sa hospital. Hindi ko napansin na nagising na pala siya. Iniisip ko kasi kung paano ko masosolusyonan ang mga problema ko. "N-Nay gising na po pala kayo" Pilit akong ngumiti sa harap ng nanay ko. Ayokong maramdaman niyang may dinadala akong mabigat na problema bukod sa kalusugan niya "Anak hindi mo kailangan ngumiti ng pilit kapag nahihirapan kana. Hindi masama ang umiyak anak.." Muling hinaplos ni nanay ang pisngi ko kaya napahawak ako sa kamay niya Hindi ko na napigilan ang pag agos ng luha ko habang nakatingin kami ni nanay sa isat-isa. Hindi ko siya tunay na ina pero higit pa sa tunay na ina ang gi