Chapter 34 5 years later... "Tay naman! Bakit doon pa? Bakit doon pa kayo nag-apply? Hindi po ba may usapan na tayo? Babalik tayo rito sa manila para maghanap ng maayos na trabaho. Pero bakit doon pa kayo nag-apply sa casino na yun?" Nakayuko lang si tatay Ben habang nag-hysterical ako sa nalaman ko. Pagod na pagod pa naman akong maghanap ng trabaho buong araw. Isang linggo palang mula ng bumalik kami ni Tatay Ben rito sa maynila. Limang taon kaming nanirahan sa probinsya ng tatay ko simula ng mamatay si nanay Cora pero hindi gumiginhawa ang buhay namin sapagkat maliit lamang ang sinasahod ko roon bilang isang waitress. Mas malaki parin ang sweldo rito sa maynila kumpara sa probinsya Kaya naman napagdesisyonan namin ng tatay ko na bumalik ng maynila. Tutal naman limang taon na ang n