MAY ilang segundong hindi nakapagsalita si Carmina dahil sa mga narinig. Medyo malayo sa naisip niya ang mga katagang lumabas sa bibig nito. Nanatili siyang walang imik habang nakatitig sa kulay brown na mga mata ng lalaki. Mataman itong nakatitig sa kaniya na tila kinakabisa ang bawat parte ng mukha niya. "Babayaran kita ng limang milyon kapalit ng pitong araw na iyon, Carmina." Tuluyang nalaglag ang panga niya sa narinig. Makalipas ang ilang sandali ay hindi makapaniwalang napatawa siya nang mapakla habang umiiling. Bahagya namang nagsalubong ang dalawang kilay ng lalaki. Na tila ba ipinagtataka nito ang naging reaksiyon niya, bagay na mas lalong nagpairita sa kaniya. "Grabe, ganiyan ba talaga ang tingin mo sa akin o sa aming mahihirap? Na por que in-offer-an mo ng pera, sasama na ag