Chapter Thirteen

1951 Words

"Buntis ako at ikaw ang ama." Nakabibinging katahimikan ang tumugon kay Carmina matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. Nakita niyang napakurap-kurap ang lalaki na para bang hindi ito makapaniwala sa mga narinig. "Buntis ako, ano ba! Kasalanan mo ito! Huwag mong tatakbuhan itong bata!" may pagbabanta niyang wika. Hindi pa rin nagawang magsalita ni Gabriel at nakatuon lamang ang tingin sa tiyan niya. Nagpakawala naman ng malalim na buntong-hininga si Carmina. Kahit na naiinis ay pinili na lamang niyang intindihin ang lalaki. Siguro nga ay nasa state of shock pa ito. Umismid siya at umiirap na nag-iwas ng tingin. Noon, ginusto niyang huwag ipaalam sa lalaki ang tungkol sa bata. Naisip niya na mas mabuti pang wala itong alam, kaysa sa may alam nga ito ngunit mas pipiliing abandunahi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD