KRIS “How is that your responsibility, Bastien?” Masama ang tinging ipinukol ko sa kanya. “And as I’ve said, I can take care of her.” “You couldn’t even ditch her, Kris!” sigaw na aniya. Biglang may mga bumusina sa likod namin kaya pinausad na niya ang sasakyan nang nagmura. Muntik pa akong mangudngod sa dashboard nang bigla naman niyang inapakan ang brake dahil may matandang babaeng tumawid. Kung hindi ako nakapag-seatbelt ay baka iyon na nga ang inabot ko. Bastien blew his face exaperatedly. Buti na lang hindi niya nabangga at buti na lang din ay nakapag-brake ang nasa likuran namin na sasakyan kundi ay baka disgrasya. Iyon nga lang ay panay na naman ang sunud-sunod na busina ng mga sasakya