KRIS “Hello, hot stuff!” Biglang dumating si Talia. Naka-high heels at sundress siya ng pula na bagay na bagay naman sa kaputian niya. Pero para akong toro na naiinis nang makita siya at gusto ko na siyang sungayin kahit na para na rin niya akong iniligtas sa inquisition ni Liza. “Why are you here, Talia? I’m busy. Ayokong magpaistorbo,” malamig kong sabi sa kanya. Napatingin naman siya sa sekretarya kong agad niyang napansing umiyak. “What happened to you, Liza?” tanong naman ni Talia na binalingan ito na para bang wala akong sinabi. I almost rolled my eyes. “Liza, you may go and take a rest,” sansala ko bago pa niya masagot si Talia. Tumingin si Talia nang nakangiti sa ‘kin. “You’re going t