Ilang beses ko pang sinulyapan si Adrian na mahimbing ang tulog bago ako dahan-dahang naglakad patungo sa pinto ng kaniyang kuwarto. Bumuntong hininga ako at napahawak sa aking dibdib. Masakit pero kailangan ko ng mag-move on sa buhay ko. May sarili na siyang buhay. Madami din akong katanungan na gusto sanang masagot pero alam ko na hindi na dapat. Digging deep will only hurt myself more. Naglakad ako pababa ng hagdan at nakita ko si Manang sa living room na nagpupunas ng mga muwebles. "Good morning po," bati ko sa kaniya. Agad siyang tumigil sa kaniyang ginagawa at tinignan ng may ngiti sa labi. "Nagugutom na ba kayo, hija? Ipaghahanda ko kayo ng almusal," wika niya. "Hindi po, manang, tulog pa po si Adrian," wika ko. Nakita kong nag-alangan ang kaniyang mukha. "Uuwi na po ak