"Mommy!" sigaw ng mga anak ko. Mabilis ko silang dinaluhan at agad niyakap. Ang saya ng mga mukha nila. Tila nag-enjoy sila sa pagpasyal sa mall. "Where's lola?" tanong ko sa kanila dahil hindi pa pumapasok sina nanay kaya naman tumayo na ako at titignan sila sa labas. Malamang ay nag-grocery sila ng mga stocks namin. Nasa bungad na ako ng pinto ng makita ko sina nanay sa gilid ng kalsada habang inaayos ang mga pinamili nila. Mukhang nag-grab na lang sila pauwi. Naglakad na din ako para tulungan sila pero napako ako sa kinatatayuan ko ng matignang mabuti ang sasakyan. Napahinto ako at mabilis tumalikod at papasok na din sana sa loob ng bahay pero tinawag ako ni nanay. "Tasha," tawag niya sa akin. Hindi pa ako agad lumingon pero tinawag ulit ako ni nanay. Dahan-dahan kong pinihit a