Nagising ako sa mga hagikgik ng kambal. Napangiti ako ng makita ko silang nakatanaw sa akin. "Kiss, mommy," utos ni Rhiana sa daddy niya. Nakangiti din si Adrian at pinatakan ako ng halik. Sa tuwing sasabihin ng anak na halikan ako ay hahalik din. Inirapan ko siya. "Kanina ka pa siguro nagnanakaw ng halik sa akin habang tulog," puna ko sa kaniya. Tumawa lang siya at tinuro ang tray na nakapatong sa night stand. "Himbing ng tulog mo, kumain na kami ng mga bata," wika niya. Nakita ko ngang nakaligo na din silang tatlo. Napatingin ako sa orasan at alas-dies na pala ng tanghali. "Bakit 'di mo ako ginising?" tanong ko. Bumangon na ako at sumandal sa headboard ng kama. Pinatong din niya sa mga hita ko ang tray ng pagkain. Sunny side up egg, fried rice, patty at orange juice ang nilu