Tahimik ako habang nasa biyahe kami pauwi ng bahay ni Adrian. Siguro kung ibang pagkakataon ay masaya ako. Pero ngayon ay nakakaramdam ako ng kaba. Naiisip ko kasi ang mga bata, ayaw kong maipit sila sa alitan ng pamilya ng tatay nila. Sa nangyari kaninang umaga dahil kay Monique ay hindi malabong sumugod na naman ulit siya. Bumuntong hininga ako. Panay din ang sulyap sa akin ni Adrian. Inabot niya ang kamay ko at pinagsiklop ang aming mga daliri. "Aren't you happy?" tanong niya. "I am happy for the kids. Sobrang saya ng mga mukha nila na nakilala nila ang daddy nila," sagot ko. "Si mommy, hindi ba masaya?" malambing niyang tanong. Nginitian ko siya pero alam kong hindi ito ngiting aabot hanggang mata. Bumuntong hininga siya. Nang makarating kami sa bahay niya ay naging masigla