Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Cecilia kaya naman na-weirduhan ako sa kaniya. Bahagya pa niyang sinanggi ang braso ko ng siko niya kaya naman napabaling ako sa kung saan ang tingin niya. Nanlaki din ang mata ko sa gulat at labis ang pagtahip ng aking puso. Pakiramdam ko hihimatayin ako. Nakatunghay sa amin ang apat na kalalakihan. May ngiti sa labi ang dalawa habang si Jetro naman ay umiling sa akin. Hindi ko na inabalang tignan pa ang isa dahil malamang ay hindi naman ito ngingiti sa akin tulad ng mga kaibigan niya. "Long time no see," wika ni Alwin sa akin. Isa sa kaibigan nina Adrian. "Yeah, been a long time," sagot ko. "Bigla ka na lang nawala, ah," wika naman ni Aki na para bang matalik ko silang kaibigan dati pa. Ngumiti lang ako sa kaniya at hindi na sumagot. Hindi n