Nagpupumiglas ako at pinipilit tumayo. Hindi man lang siya natinag bagkus ay mas hinigpitan pa niya ang hawak sa mga kamay ko. Bahagya na akong mahuhulog sa pagkawag ko kaya inayos ko ang pagkaka-upo ko sa kaniyang hita. Nanlaki ang mata ko ng may maramdaman ako. Nagmura siya ng mahina. Inayos ko ulit ang pagkakaupo ko pero gaya ng una ay nararamdaman ko talaga siya. "Stop moving," mariin niyang utos. Inamoy niya ang leeg ko habang nakapikit, hindi siya gumagalaw. Maging ako ay hindi din gumalaw. Pigil ko ang hininga dahil nakakaramdam na ako ng iba't-ibang sensasyon sa aking katawan, isama pa ang hindi komportable na puwesto ko. Pilit kong winawaksi ang sensasyon na 'yon. Naiinip na ako dahil hindi pa din bumabalik ang mga kasama ko. Hindi na nila naisip na kami lang ni Adrian ang n