Pagmulat niya ng mga mata nasa puting silid na siya. Inalala pa niya kung ano ang nangyari at bakit siya narito sa puting silid. Ginala ang mga mata sa paligid at nakita ang isang babae na nakaputi rin at isa pang babae na puti rin ang suot mas mahaba lang suot ng isa pang babae. Sa ganitong nakikita niya ospital ang naisip niyang kinaroroonan niya ngayon. Pero bakit? Nawalan ba siya ng malay kanina nang makitang nakikipag halikan si Calvin kay Cherry? Gumalaw siya at sinubukang bumangon mula sa pagkakahiga. Agad siyang nakita ng nurse at inalalayan siyang makaupo sa kama, sinandal pa nito ang likod niya sa kama, saka hinarap ang babaing posibleng doktor na tumitingin sa kanya. "Buti naman po nagkamalay na kayo Ms. Saavedra,' sabi sa kanya ng doktora. Nakangiti pa ito sa kanya. Ibig bang

