Kinabukasan pagmulat niya ng mga mata nakaramdam siya agad ng pagkahilo kaya naman pinikit niya muli ang kanyang mga mata. Alam niyang parte ng kanyang pagbubuntis ang hilong nararamdaman niya. Isama pang late na siyang nakatulog kagabi, dahil kakaisip kung ano ba ang dapat niyang gawin. Aaminin niyang mahal niya si Calvin at ayaw niya itong mawala sa kanya hayaang mapunta kay Cherry, pero masakit sa kanya ang pagtataksil na nasaksihan niya. "Gianna." Narinig niya ang boses ni Calvin habang nakapikit siya. Kaya naman binuksan niya ang mga mata. Nakita niya ang nobyo sa may paanan ng kama at nakatingin sa kanya. Pinilit naman niyang bumangon at makaupo sa kamay, kahit nahihilo siya. Sinadya niyang hindi i lock ang pintuan ng silid, dahil nga natatakot rin siya kahit papano pag mag isa. At

