"Sorry, Mr. Ramirez," takot na sabi ni Darwin sa kanya at mabilis na itong umalis sa harapan niya. Pasalamat ito at pinigilan siya ni Gianna na suntukin ito, kung hindi baka hindi na makilala ang pagmumukha nito. Wala siyang pakialam kung may makakita man sa kanila, ang mahalaga maipakita niya kay Darwin ang hinahanap nito. "Don't ever go near Gianna again!" Hiyaw pa niya kay Darwin. "Damn it!" Mariing mura niya at sinulyapan si Gianna na nasa harapan niya. "Are you ok?" Nag-aalalang tanong niya sa nobya. "Yes, Calvin, I am ok. Wala namang ginawang masama sa akin si Darwin," tugon nito. "Thank god, kung ganon," he said at kinabig payakap si Gianna. Hindi niya nasamahan si Gianna kanina sa powder room dahil may nag interview pa sa kanya. At nang mapansin medyo natagalan na ang dalaga

