Hindi yata sa palabas naka focus si Cherry dahil sa kanila ni Calvin ito nakatingin. Paano hindi niya tinitigilan ang pang haharot niya kay Calvin habang nanonood sila nito ng movie. Well, clingy naman talaga siya, twenty-year-old lang naman siya kaya ganito pa ang kinikilos niya, isama pang syempre nais niyang asarin ng husto si Cherry na kanina pa umuusok ang ilong dahil sa kanya. Matapos ang movie nagtungo ang mga artistang kasama sa movie sa may stage para simulan ang interview sa mga ito. Medyo na bored pa siya, dahil hindi naman siya interesado sa kung ano ba ang story ng movie, kasi nga si Cherry ang director nito. Nanatili naman si Cherry na nakaupo sa tabi ni Calvin. Sadya niyang inukopa ang atensyon ni Calvin para hindi nito pansinin si Cherry na hindi na malaman kung paano ipag

