Pagdating sa bahay hindi niya nakita ang sasakyan ni Calvin sa labas. Nagtaka siya dahil dapat nauna na ang asawa sa kanyang makarating sa bahay nila sa bilis nitong magpatakbo kanina sa highway. Hindi nga niya ito nagawang abulin kanina. Bitbit niya ang cake na binili nang bumaba ng sasakay. Para sa asawa ang cake na iyon na sinadya pa niyang lumabas para lang mabili iyon, dahil nais niyang mag celebrate silang mag asawa ng birthday nito sa bahay. Pagpasok sa loob sinalubong siya ng kasambahay, tumatakbo pa ito na tila ba natataranta nang lapitan siya. Nasa mukha din nito ang lungkot o ano pa man. "Ma'am Gianna,' tawag nito sa kanya. "Manang, bakit po? May nangyari po ba?" Kunot noong tanong niya sa kasambahay. "Ma'am si Sir Calvin po naaksidente daw po," tugon ng kasambahay sa kany

