Makalipas ang isang linggo lumabas na ng ospital si Calvin. Maayos na rin naman ang lagay nito kahit papano. Maliban lang sa mga paa nito. Hindi pa kasi kayang lumakad nito ng maayos, kailangan pa rin nito ng tulong o kaya saklay, wheelchair. Kaya naman nag decide na lang silang sa bahay na magpagaling ang asawa at doon na rin ituloy ang therapy sa mga paa nito para muling makalakad ng maayos. Nakokonsensya siya sa nangyari sa asawa niya kaya naman todo asikaso siya rito, kahit ni minsan hindi pa siya kinausap nito. Sa ospital palang nang magkamalay ito hindi na siya pinapansin ni Calvin. Kung susulyapan naman siya nito laging masama ang tingin nito sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang galit sa kanya ng asawa, lalo na ngayong hindi pa rin ito makalakad mag isa. Hindi na nga niya alam ang g

