Totoo ang sinabi niya kay Gianna. Nakahanda na talaga siyang pakasalan ang dalaga. Iyon ang sinabi niya sa mga magulang nito kaya nawala ang galit ng mga ito sa kanya. Pinaliwanag niya kung bakit niya nagawang hindi sumipot sa kasal nila ni Gianna noon. Sinabi niya sa mga ito na nais muna niyang mas magkakilala pa sila ni Gianna. At ngayong nagkasama na sila ng dalaga sa Maynila at sa trabaho sinabi na niya sa parents ni Gianna na handa na siyang pakasalan si Gianna. "Ano ba ang laro mo, Calvin?" Galit na tanong sa kanya ni Gianna. "Hindi ako nakikipaglaro Gianna. Handa na kong pakasalan ka. Ikaw na lang ang hinihintay kong umuo, kahit mamaya kaya kitang pakasalan," tugon niya sa dalaga. "Walanghiya ka!" Asik ni Gianna sa kanya na kinagulat pa niya, lalo na nang pagsusuntukin siya nito

