Chapter 6

1188 Words
REA POV "Iha, it's been one week. Kailangan ka uuwi? I miss you iha." I chuckled. "Mamita, don't worry i'll be home tonight. Sobrang busy ko kasi sa work kaya wala ng time umuwi pa." Since wala na sa akin ang boutique ni mommy. Pinasa na sa akin ni mamita ang posisyon niya sa company ni dad. Tanda-tanda ko pa ang araw na iyon. Flashback "Iha, are you done?" Humarap ako kay mamita at marahang tumango. Hinaplos ni mamita ang pisngi ko at naluluhang humarap sa akin. "Kung nandito lang ang mommy mo. Sigurado akong hindi siya matutuwa sa ginawa ng daddy mo. Kahit na wala na siya. Nandito ako para gabayan ka at alagaan. Tayo na lang ang magkasama apo. Hinding-hindi kita iiwan." Mahigpit kong niyakap si mamita. Hindi ko napigilan ang sariling maluha. Kung sana ay nandito si mommy. Hindi ko mararanasan ang ganitong pakiramdam. Ang laging masaktan at nag-iisa. Nakahanap ako ng kakampi dahil kay mamita. Siya na lang ang meron ako. Humiwalay din ako kay mamita. Pinahid niya ang luha ko. "Huwag ka na umiyak. Ang ganda-ganda mo pa naman ngayun apo." Bahagya akong natawa. "Ngayun lang ba mamita?" Ngumiti si mamita. "Syempre apo. Nagmana ka sa akin. Hindi kumukupas ang ganda." Nagtawanan kaming dalawa. Hinawakan ni mamita ang kamay ko at marahang pinisil. "Tara na?" I nodded. Umalis na kami at nagtungo sa company. Nagulat ako na sa company building kami ni dad nagpunta. "Anong ginagawa natin dito mamita?" Tanong ko. Kasalukuyan kaming nasa elevator patungo sa office ni dad. "Sasabihin ko sayo later. For now, I need to talk to your father." "Wait me here." Pumasok na sa loob ng office si mamita. Maya-maya lang ay rinig ko na mula dito sa labas ng office ang sigaw ni mamita. Mukhang natatalo na sila ni dad. "What are you doing here?" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Stacy. Hindi na dapat ako magulat. Binigyan nga pala siya ng posisyon ni dad sa company ni Mamita. Lahat ng empleyado alam na may relasyon si Stacy at may anak si dad sa kanya. "You're not supposed to be here. You better leave now Rea." I rolled my eyes. "Who are you to say that to me? This is my grandma's Company. May karapatan ako para pumunta dito. Hindi mo ko pwedeng pagbawalan." Hinaklit niya ang braso ko. "Manggugulo ka lang dito. So you better leave now bago pa maubos pasensya ko sayo." Galit na aniya. Tinulak ko siya dahilan para lumayo siya sa akin. Bumagsak si Stacy. Napatawa ako at ngumisi. Tinayo ko siya sa pamamagitan ng pagsabunot ko ng buhok niya. Agad s'yang umaray sa sakit. Nakatingin samin ang mga empleyado. "How many times do I need to tell you na wala ka karapatan para magdisisyon sa buhay ko. Gagawin ko ang gusto kong gawin." Binigyan ko siya ng mag-asawang sampal. Pagkatapos ng ginawa ko kay Stacy. Saktong bumukas ang pinto. Nagulat si Mamita at agad na lumapit sa akin. "Are you okay iha?" I nodded. "Anong nangyari?" Umiiyak na lumapit si Stacy kay dad at nagsumbong. "She slap me. Hindi pa siya nakuntento sinabunutan niya pa ako. Do something hon!" Niyakap ako ni mamita. "Subukan mong saktan ang apo ko reynold. Ako ang makakalaban mo." Ramdam ko ang inis ni mamita kay dad. Taas noo akong ngumisi sa kanila. "Mom, hindi masamang babae si Stacy." Hindi pinatapos ni dad ang sasabihin ng sampalin siya ni mamita. "Mahiya ka Reynold! Pinagmamalaki mo pa talaga sa akin ang maruming babaeng 'yan." Galit na saad niya kay dad. "Mom, please patay na si Realyn. Wala na ba akong karapatan lumigaya? Kailangan ko ng karamay. Asawang makakatulong ko sa pagpapalaki ng anak ko. At 'yun ang ginawa niya mom. Siya ang nag-alaga kay Rea hanggang sa lumaki siya at nagkaisip." "Hindi 'yan Totoo Dad!" Agad kong tutol sa sinabi niya. "Manahimik ka Rea!" Sigaw sakin ni Dad. Hindi makapaniwalang tinitigan ko sila. "Bakit ako ang dapat na manahimik dad? Bakit ayaw mo ba malaman ni Mamita na pinabayaan mo ako at yang babaeng pinalit mo kay Mom ang nagpahirap sakin." Galit na sabi ko. "Rea! Ginawa namin ni Stacy ang lahat para maging maayos ang buhay mo. Ikaw tong nagpapahirap samin." Sagot ni Dad. Humakbang ako papalapit sa kanila. "Alam mo kung bakit Dad? Kasi deserve niyo ang lahat ng pinaparanas ko sa inyo. Kulang pa 'yan sa ginawa niyo samin ni Mom." Hindi ko mapigilan ang sariling tumulo ang luha ko. "Rea, anak." Sinubukan akong hawakan ni Dad. Agad kong inilayo ang sarili sa kanya. "Huwag mo kong hahawakan." Galit na saad ko. "Hindi mo pa din ba ako napapatawad anak? Ginawa ko ang lahat Rea. Hindi pa ba sapat? Ano pa ba ang dapat kong gawin para mapatawad mo ako?" Pinahid ko ang luha at bahagyang natawa. "Tigilan mo 'yan dad. Alam kong nagkakaganyan ka para mapaniwala mo si Mamita. Pwes hindi uubra sakin yan. Hinding-hindi kita mapapatawad. Habang nabubuhay ako. Kayo ni Bea at Stacy. Hindi kayo magiging masaya. Ipaparanas ko sa inyo ang sakit ng ginawa niyo sa akin." Umangat ang kaliwang kamay ni Dad at akmang sasampalin ako. Humarang si Mamita. Agad na huminto si Dad. "Bakit mo tinigil Reynold? Sige saktan mo ang apo ko. Hinding-hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo at sa bago mong pamilya." Napa atras si Dad at hinarap si Stacy. "Umalis na tayo." Aniya sa kabit niya. Sinamaan muna ako ng tingin ni Stacy. bago sumunod kay dad. Tyaka lang ako nakahinga ng maayos ng makaalis sila. Hinaplos ni mamita ang pisngi ko at mahigpit na niyakap. "Hindi ako papayag na saktan ka niya apo habang nandito ako. Oras na para gawin ang matagal ko na dapat ginawa." "Ano po iyon mamita?" Matamis na ngumiti si mamita sa akin. "Halika sumama ka sakin." Nagpunta kami sa Meeting Room. Nakaupo ang mga investors. Tumayo sila ng naglakad na si mamita at naupo sa harap nila. Tumayo ako sa tabi ni mamita. Bumukas ang pinto at pumasok si Dad kasama si Stacy.. "Since kumpleto na tayo rito. I know that some of you mabibigla because of my sudden decision. I'm stepping out as CEO of this Company." Napamaang ang lahat. Pati ako ay nabigla. "Well, madam sino ang papalit sayo as CEO. Is it Mr. Salvador?" One of investors asked. Tumingin sakin si Mamita. "No, it's Rea my grandaughter." Nagbulong-bulungan ang ilan sa kanila. "I'm sorry madam but we don't know if she can handle our Company. She's to young for the CEO position. Makakasiguro kami na maayos ang company sa pangangalaga ni Mr. Salvador." Galit na hinampas ni mamita ang table. "Mas may tiwala ako sa apo ko. Hindi ko ibibigay kay Reynold ang CEO position. My decision is final. May Grandaughter will be the new CEO of MY company. Meeting adjurned." Tumayo na si mamita. "Let's go iha." Sumunod ako kay mamita. Umalis na kami sa company at umuwi na.. Bago umakyat sa room niya si mamita. Pinigilan ko siya. "Mamita, pwede ba tayong mag-usap?" Hinawakan niya ang kamay ko. "Okay sige iha. Dun tayo sa room ng mommy mo." Aniya ng may ngiti sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD