REA POV
"Good morning mamita. Breakfast is ready." Mamita smiled at me. Bumeso siya sa akin ng makalapit.
"Oh iha. Mabuti naman at naisipan mo umuwi." Natawa ako.
"Sorry mamita. Mabigat na trabaho ang pagiging CEO sa company. Kaya bihira na ako kung umuwi." Sagot ko. Naupo na si Mamita. Nilapag ko sa harap niya ang coffee na gawa ko.
"Nahihirapan ka na ba iha? Gusto mo ba na maghanap ako ng kapalit mo?" Seryosong aniya.
Napatigil ako. "Mamita naman. Hindi ako nagrereklamo okay. Masaya ako sa work ko. At hindi ako papayag na ibigay sa iba ang posisyon ko."
Sagot ko. Umihip ng kape si mamita at tinitigan ako.
"Good answer iha. Once na hindi mo na talaga kaya just tell me okay?" Masuyo n'yang sabi. Ngumiti ako at tumango.
"Hindi kita bibiguin mamita. Malaki ang tiwala mo sa akin kaya dapat lang na gawin ko ang lahat para maipakita sayo na tama lang na ibinigay mo sa akin ang posisyon ko sa comapany." Hindi maalis ang ngiti ni mamita.
"Dapat lang iha. Marami man against sa desisyon ko. Ipapaglalaban kita."
"Thank you mamita."
"Let's eat." Naupo na ako. Masaya kaming kumain ni mamita.
Pagkatapos naming kumain. Nagpunta ako sa room ko. May natanggap akong text from my dad.
"Let's meet. May gusto akong sabihin sayo."
Kumunot ang noo ko. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto.
"Iha. May kikitain lang ako so maybe gabihin ako ng uwi." Tumayo ako.
"Okay mamita. May pupuntahan din ako."
"Where?" She asked.
"Kay mommy, mamita. Matagal nung huli ako bumisita sa kanya."
"Okay, mag-iingat ka."
"You too mamita." Sinara na niya ang pinto.
Kinuha ko ang phone sa bed side table at nagreply kay dad.
Habang nasa byahe hindi mawala sa isip ko ang gustong sabihin sa akin ni dad.
Bumaba na ako sa kotse at pumasok sa cemetery. Huminto ako sa harap ng puntod ni mommy.
Inilapag ko ang flowers at nagsindi ng kandila.
"Bakit dito pa sa mommy mo dapat tayong mag-usap." Aniya sa akin.
Hindi ako nag-abalang sagutin siya. Malungkot akong napangiti. Naupo ako sa grass.
"Balak ko kasi na bisitahin si mommy. Nung nabasa ko text mo sa akin. Naisip ko na ito na din ang chance para mabisita mo siya. Ilang years mo na ba s'yang hindi nabisita?" Tumingala ako sa kanya.
"Rea, bumaba ka sa posisyon mo at sabihin mo kay mom na ibigay sakin ang pagiging CEO."
Bahagya akong natawa. Ngumisi ako sa kanya.
"Dad, nandito si mommy naririnig niya mga sinasabi mo." Hinaplos ko ang pangalan ni mommy.
"See mommy. Ganito ka walang kwentang ama sa akin si dad." Nagulat ako sa sunod na ginawa ni dad. Hinaklit niya ang braso ko at sapilitang tinayo. Galit ang itsura nito.
"Dad nasasaktan ako." Napangiwi ako lalo ng mas pinisil niya ang pagkakahawak sakin.
"Wala akong pakialam kay realyn. Tutal patay na siya. Kaya gagawin mo ang gusto ko." Nagpumilit akong makawala at sinampal ng malakas si dad.
"Ang kapal ng mukha mo dad. Kahit anong gawin mo. Hindi ako papayag na mapunta sayo ang pinaghirapan ni Mamita. Akin ang company at wala ng iba." Galit na sigaw ko kay Dad.
Ang lakas ng loob niyang sabihin sa akin iyon. Ngayun may iba na siya pamilya. Kung umasta si Dad parang wala silang pinagsamahan ni Mommy.
"Ginagalit mo talaga ako Rea. Ako ang ama mo kaya dapat na sundin mo ang pinaguutos ko sayo."
"Tapos ano? Kapag nakuha mo ang gusto mo. Pano ako? Matagal mo akong pinabayaan. Pati ang pinaghirapan ni mommy binigay mo sa anak mo sa labas. Ako na tunay na anak. Ako ang nawalan. Ako ang inagawan." Hindi ko napigilan ang maluha.
"Tama na Rea, tama na ang kadramahan mo. Pagkauwi mo sabihin mo kay mommy na bibitaw ka na. Kapag hindi mo ginawa ang sinasabi ko sayo. Alam mo na ang mangyayari." Pagbabanta niya.
Umalis na si dad. Nanlumo ako at parang pinagbagsakan ng langit.
Nanginginig ang buong kalamnan ko. Napaupo ako at napahagulhol.
Hindi niya ako tinuturing pa na anak. Wala na s'yang pakialam pa sa akin. Ngayun napatunayan ko na wala na akong halaga pa sa kanya.
Umaasa pa naman ako na may magbabago pa sa amin ni Dad. Ang gusto ko lang naman ay Bumalik kami sa Dati ni Dad. Sobrang sakit para sa akin na pinabayaan na nga ako ni Dad tapos pati si Mommy wala ng halaga sa kaniya ngayung may iba na siyang pamilya.
VINCE POV
I heard three times knock on my door. Bumangon na ako. Saktong binuksan ni mommy ang pinto.
"Sabi na nga ba hindi ka pa bumabangon sa higaan mo." Muli akong nahiga sa bed.
Lumapit naman si mommy sa akin at nameywang.
"VINCE MONTEREAL!" Patay sumigaw na si mom.
Bumangon na ako at napakamot ng ulo. "Mommy naman alam mong late na ako nakauwi. Tyaka wala akong work today so-."
Agad akong pinigot ni mommy. Napahiyaw ako sa sakit. "Ar-aray mom."
"Sasagot ka pa" binitawan na rin niya ako.
Naglalambing na niyakap ko si mommy. Bumukas ang pinto at pinapanood kami ni dad.
"Sorry na mommy." Ani ko.
"Ano na naman ginawa mo son?" Sabi ni dad.
"Pagalitan mo nga yang anak mo. Late na siya nakauwi kagabi." Sumbong niya kay dad. Pinagtaasan ako ng kilay ni dad.
"Mommy tinapos ko ang dapat na work ko ngayun para makasama kayo ni dad." Humarap sa akin si mommy. Pinakatitigan niya ako..
"Puro work ang inaatupad mo. Hindi mo na ako maalala. Pati bonding time natin nakalimutan mo." Nagtatampo n'yang saad.
"Mom, promise babawi ako."
"Talaga? Thank you vince." Nakikita kong masaya si Mommy.
Hindi lang work ang ginagawa ko. Pinapahanap ko ang babaeng naka one night stand ko. Hanggang ngayun ay hindi ko makalimutan ang babaeng bumihag ng puso ko.
"Vince anak. Alam mong hindi na kami tumatanda ng daddy mo. It's time for you to get married." Seryosong saad ni mommy.
Natawa naman sa gilid si Dad.
"Mom wala pa akong balak mag-asawa. Gusto ko pa ienjoy ang pagkabinata ko. Don't worry darating din ako d'yan but for now. Sayo muna ang atensyon ko." Ngumiti ako sa kanya.
Naluluhang umiwas ng tingin sa akin si mommy.
"Masaya ako na naging parte ako ng buhay mo anak. Kahit na hindi mo ako tunay na ina tinanggap mo ako. Kayo ng daddy mo."
"Shh, mom kahit anong mangyari ikaw pa din ang mommy ko. Nung dumating ka dito sa bahay at pinakilala ka sakin ni dad. Sobrang saya ko kasi finally may mommy na ako. Ikaw lang ang kinilala kong ina at wala ng iba." Napaiyak na si mom.
"Why are you crying?" I asked her.
Mahina niya akong hinampas.
"Ikaw kasi eh. Umagang-umaga pinapaiyak mo ko." Natawa ako.
"Gutom na ako. Kain na tayo mom." Pag-iiba ko ng usapan.
Ayokong nakikitang umiiyak ang nag-iisang taong kahit kailan ay hindi nagsawang mahalin at alagaan ako. Kahit na hindi ko siya tunay na ina.
"Mabuti pa nga anak." Ngumiti si mommy. Nauna ng bumaba si mommy habang si dad naman ay nagpaiwan.
Kaming dalawa na lang ang nandito sa kuwarto ko.
"Son, can we talk?" Binalingan ko siya ng tingin.
"Don't tell me dad. Ikaw naman ang sunod na magdadrama. Maghahanda na ba ako ng tissue for you? " Biro ko.
Bahagyang natawa si dad at napailing.
"I just want to inform you na malapit ng bumalik si Ayesha sa pamilya niya." Naibaba ko ang hawak na phone.
"Are you serious dad?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga.
"I'm serious son. Alam ko na hindi ka papayag."
"Alam mo pala dad bakit pumayag ka? Ayoko ng masaktan pa si mommy. Kung ano man ang napagkasunduan niyo dad please huwag niyo ng ituloy."
Nilagpasan ko si dad hanggang sa makarating ako sa pinto. Huminga ako ng malalim at nilingon siya.
"I'm sorry dad. Hindi ako papayag na bumalik si mom sa dating buhay niya. Selfish man pakinggan pero dito lang siya. Isang pamilya tayo kaya dapat lang na walang aalis." Iniwan ko na si dad.
Tandang-tanda ko pa kung pano dumating sa buhay namin si Mommy Ayesha.