GANADONG-ganadu si Andy sa pagto-toothbrush sa banyo ng silid nilang mag-asawa.
"Hwaaahhh!" At check niya sa hininga niya. "Smell's good," ta's kindat niya sa sarili nang maamoy niya ang fresh na hininga niya. Mahinang tapik-tapik din siya sa pisngi niya. Fresh na fresh ang kanyang hitsura dahil bagong shower siya. Topless lang din siya at tanging tuwalya ang nakabalabal sa kanya na hanggang tiyan.
Paniguradong matatakam sa kanya si Yolly 'pag labas niya ng banyo.
Hindi pa nakuntento, nagwisik din siya ng cologne.
"Hmmmm!" Nakangiting amoy niya ang panlalaking cologne niya. Tapos ay muling sinipat-sipat niya ang mukha. Pa-cute siya sa salamin. Nag-practice pa siya kung paano akitin si Yolly.
Ganado siya ngayon, eh. Ganado sa ano.. alam niyo na..
Lalabas na sana siya pero naisip niya munang magwarm-up. Nag-stretching muna siya ta's push-up.
"Hooohhh!" At sambit niya pagkatapos. Parang tanga lang. Parang sasabak sa boxing, eh.
At nang medyo pinagpawisan na siya at ready to fight na ay lumabas na nga siya sa banyo.
Kaso'y muntik nang malaglag ang panga niya sa nabungaran niya sa kanilang kama. Napakapit talaga siya sa hamba ng pinto ng banyo.
Ano 'to?! Bakit nasa kama nilang mag-asawa ang mga kambal?! Naman, oh!
"Tapos ka na? Tulog na tayo?" sabi sa kanya ni Yolly na nagbra-brush ng buhok nito bago matulog.
'Di mailarawan ang mukhang tinuro niya ang mga anak nila. "B-bakit sila 'andito?" ta's tanong niya na 'di alam kung maiinis o ano kasi mga anak niya nga ang mga ito.
"Dito sila matutulog sa tabi natin. Na-miss ko sila ng sobra, eh. Nanibago ako na wala sila sa tabi ko buong araw. Okay lang naman 'di ba?"
Tabingi ang ngiti niya sa asawa. Three points na sana bokya pa. Muntik na siyang mag-walling sa pagkadismaya. Nganga!
Lumaylay 'yong ano niya...
...'yung balikat niya.
"Andy, halika na. Tulog na tayo."
"Kasya ba tayo riyan?" 'di pa rin maayos ang mukha niyang tanong. Kamot-batok din siya.
"Oo naman. Ang laki naman ng kama, eh."
"Sabi ko nga. Dapat kasi palitan na 'yan ng maliit, eh," masama ang mukha niyang bulong.
"Anong sabi mo?"
"Wala. Sabi ko tulog ka na. Patuyuin ko lang 'tong buhok ko." Padabog siyang umupo sa gilid ng kama na kakamot-kamot ulo. Sayang 'yong push-up niya! Sayang 'yong tubig! Sayang 'yong colgate! At sayang 'yong cologne! Kainis!
"Andy, may problema ba?" pansin sa kanya ni Yolly.
"W-wala!!" busangot niyang sagot. Hindi na niya naitago ang inis. "Bukas papapalitan ko talaga 'tong kamang 'to!" dagdag pa niya pero sa isip na lang niya iyon.
"Grabe, na-miss ko talaga ang mga anak ko." Narinig niyang sabi ni Yolly na gigil na niyakap-yakap ang kanilang mga anak na tulog.
"'Yong si Andy Junior? 'Di mo na-miss?" nagawa niyang ibiro.
"Tse! Manahimik ka nga riyan!" Ngunit bato sa kanya ni Yolly ng unan.
"Pero miss ka na ni Andy Junior," parang batang maktol niya.
Malutong ang naging tawa ni Yolly. Kasi naman 'yong mukha niya ay parang kawawang-kawawa. Sinadya niya talaga.
"Doon tayo, oh." Nginuso niya sa banyo.
"Heh! Itulog mo na lang 'yan! Di ka na nahiya sa mga anak mo!" tatawa-tawa pa ring saway ni Yolly sa kanya.
"Chege nah. Doon, oh." Mas pinakawawa niya ang mukha
"Hindi ka titigil?!"
"Ang bango ko kaya. Amuyin mo ako. Amoy baby rin ako." Pangungulit pa rin niya sabay amoy niya sa kili-kili.
Lalong nagtatawa si Yolly. Asawa nito talaga parang ewan.
"Yolly? Mahal? Isa lang?"
"Heh!!" Yumakap na si Yolly kay baby Anne na nasa tabi nito at pumikit. "Antok na ako. Maaga pa tayo bukas."
"Mahal naman, eh."
"Andy, tumigil ka riyan. Wala ako sa mood."
"Babe? Honey? Sweetheart? My loves? Mahal? Maawa ka naman kay Andy Pagdatu Jr, oh?"
Napabulanghit talaga na ng tawa si Yolly. "Gunggong ka talaga noh?"
Dahil do'n ay naglakas-loob na siya na lapitan ang asawa at pupugin ng halik sa leeg. Kaso kakahagikgik ni Yolly at kakaiwas ay nagising ng sabay-sabay ang mga kambal at sabay-sabay pa talaga ang mga itong umiyak.
Umasim ang mukha ni Andy. Mga wala talagang pakisama ang kanyang mga anak. Parang gusto rin niyang umiyak tuloy pero kinurot kasi siya sa dibdib ni Yolly.
Nabahala si Yolly na inalo agad syempre ang mga sanggol. "Ikaw kasi, eh!" ta's galit na nitong sisi sa kanya.
Wala na siyang nagawa kundi ang manahimik na. May laban ba siya sa mga anak niya? Brrrrrrrrrr!!
KINABUKASAN ay parehas tuloy silang puyat dahil nahirapan silang patulugin ang mga kambal. Alas tress na nilang mga napatulog sa tulong nina Yaya Chadeng at Yaya Doring. Naistorbo ang mga tulog kaya nahirapan ulit makatulog ang mga sanggol.
"Haaaahh!!" Mahabang hikab niya habang pinapandar ang kotse. Papasok na sila sa school. Parang tatlong oras lang kasi yata ang tulog nila.
Si Yolly nakapikit namang sinandal ang ulo sa upuan. Sakripisyo talaga 'pag ganito. Ayaw nito naman kasi na puro yaya lang ang mag-aalaga sa mga anak nila. Gusto ni Yolly kahit busy sila sa ibang bagay tulad ng pag-aaral ay maging hands-on mom and dad pa rin sila sa mga anak nila.
Pagdating sa school ay napangiti si Yolly ng matamis nang binilhan niya ito ng gatorade, tig-isa sila. Pampawala ng antok nila.
"Oh, bakit?" pansin niya sa asawa. Parang kinikilig kasi.
"Wala, naalala ko lang 'yong book-1 natin. Dito rin kasi sa gatorade nag-umpisa ang lahat, 'di ba?"
Napangiti na rin siya saka buong pagmamahal na hinalikan sa noo si Yolly.
Hindi iyon nakaligtas sa mga tingin ng mga humahangang estudyante sa kanila.
"Ay, kilig naman! Sana all!" tili ng isa.
"Grabeee! Sana mahanap ko na rin ang ka-forever ko!" sabi naman ng isa.
Natawa silang mag-asawa. Tapos ay holding hands na silang tinungo ang first subject nila sa araw na ito.
Nadatnan na nila si Leandro roon. May mga girls itong kachikahan na kilig din sa binatang gwardya. Mas guwapo na kasi ngayon si Leandro.
Umupo ang mag-asawa sa likod.
Sisimangot na naman sana si Andy nang mapalingon ang binata sa kanila at ngumiti kay Yolly pero tiningnan kasi siya ni Yolly at pasimpleng sinabihan siya. "Huwag ka na namang mag-isip ng kung anu-ano. Sinabi ko naman sa 'yo na wala kang dapat ikaselos kay Leandro kasi ikaw na ang asawa ko."
"'Di noh. Alam ko namang ako lang ang mahal mo, eh," napilitang sagot ni Andy tapos ay pilit ding ngumiti. Hindi bukal sa puso niya ang sinabi.
"Buti at alam mo na." Kindat ni Yolly sa kaniya.
Nang may malala si Yolly. "Napansin mo na si Karen, Cindy at Patrick?"
"Si Cindy at Patrick ang alam ko nasa states na sila kasama ang anak nila. Si Karen ang hindi pa," sagot niya.
"E'di ba sila na ni Leandro? Naalala mo 'yung kasal natin na magkasama sila na dumating?"
Napalabi siya. "Oo."
"Eh, bakit parang 'di ko yata siya napapansin? Kung nandito na si Leandro ay dapat aali-aligid din siya rito 'di ba kung totoong nobyo na niya si Leandro?"
"Malay ko sa kanila."
Natigil sa pag-uusap sila nang dumating si Diane. "Hi," bati nito kay Yolly.
"Hello!" ganting bati naman ni Yolly sa bagong kaibigan.
Umupo na si Diane sa medyo may pagitan sa kanilang mag-asawa.
"Close kayo agad?" tanong ni Andy kay Yolly na pabulong.
"Oo."
"Piliin mo ang magiging kaibigan mo, ah?"
"Oo naman."
Nagsimula agad ang klase nila nang dumating ang prof nila sa subject na iyon.
At nang matapos ay humalik siya sa pisngi ni Yolly dahil papasok naman siya sa subject na 'di niya kaklase si Yolly.
Panatag na ang loob niyang iwanan ang asawa dahil naisip niyang wala naman siyang dapat ikabahala talaga kung tungkol lang naman kay Leandro.
Ang hindi alam ni Andy ay lumipat agad si Leandro sa upuan ni Yolly nang wala na ito roon.
"Kumusta?"
"Kumusta ka riyan?" Nakangiting irap ni Yolly sa binata.
Lumipat din ng upuan si Diane. Tabi na silang tatlo na sa likod.
"Leandro, right? Ako si Diane," pakilala agad ni Diane sa binata.
Ngumiti ang binata sa dalaga.
"Mabuti naman at parang okay na si Andy kumpara kahapon?" Si Leandro kay Yolly.
"Nagseselos pa rin kasi siya sa 'yo," matapat na sabi ni Yolly.
Natawa si Leandro. "Hindi natin siya masisisi. Mas guwapo na ako keysa sa kanya ngayon, eh," ta's biro nito.
Si Yolly naman ang natawa.
"Love triangle kayo noon, noh?" maang na tanong ni Diane sa kanila.
"Medyo," kiming sagot ni Yolly.
"Ay bongga! Haba nga talaga ng hair mo noon, Yolly!"
"'Di naman," ani Yolly na napasulyap kay Leandro. Lalo siyang nahiya.
"Eh, kumusta naman kayong mag-asawa ngayon?" tanong pa ni Diane.
"Okay lang kami. Masaya kami. Inaalagaan niya akong mabuti pati na mga anak niya," proud na sagot ni Yolly.
"Aba'y dapat lang kung ayaw niyang agawin kita sa kanya," sabad ni Leandro.
Bahagyang hinampas ito ni Yolly sa balikat. "Tumigil ka nga! May Karen ka na 'di ba?"
Hindi na nakita ni Yolly ang paglungkot konti ng mukha ni Leandro ukol sa pagbanggit niya sa pangalan ni Karen sapagkat natuon na ang pansin nila sa pinagkaguluhan ng mga estudyante sa may pinto.
"Ano 'yon?" anya dahil naisip niya baka si Andy na naman ang pinagkakaguluhan. Pero nang makita niya kung sino iyon ay nagliwanag ang kanyang mukha.
"Eihhh! Si Shone!!" At buti na lang naunahan siya ni Diane na kiligin.
"Oo nga!" sambit niya na lamang habang kumikinang din ang mga mata niya sa muling pagkakakita kay Shone na idol niya.
Napatayo silang dalawa ni Diane. At para silang matutunaw nang dumako ang tingin ni Shone sa banda nila.
"Eiiihhh!" Impit na tili ni Diane. May pahampas-hampas pa ito sa balikat niya..
Siya ay natulala na sa binatang artista. Buti na lang at hinila siya ni Leandro paupo at natauhan din siya sa bigla.
"Paktay ka sa asawa mo! Naglalandi ka pa, eh!" saway ni Leandro sa kanya.
"Syempre artista, eh," mahabang nguso na katwiran niya.
"Kahit na!" Ang sama ng tingin ni Leandro na binalik kay Shone. Nakatingin pa rin kasi ang binata kay Yolly. Huwag lang sasabihin ng Shone na ito na may gusto ito kay Yolly dahil siguradong magwawala si Andy. Paniguradong magkaka-world-war-ten na rito sa school. Dahil kahit ito man ay 'di papayag na puporma ang Shone na ito kay Yolly! Never at unfair!..........