PART 5

1427 Words
"WHERE'S Shone na ba?! Ilang minuto na akong nag-aantay rito, ah! Tuloy pa ba ang photo shoot na 'to or hindi na?!" Nagwala na sa set si Shyne Sandoval. Ang sikat na artista ng pinakamalaking estasyon ng TV, na true to life love team daw ng binatang si Shone Ramirez. (Pero ang totoo ay hindi naman) Na may konti ng attitude problem dahil sa tinatamasa na nitong kasikatan. Kaliwa't kanan na kasi ang offer dito ng mga iba't ibang company. At sa dami ng indorsement ay 'di na maikakailang isa na ito sa may pinapatunayan ngayon sa larangan ng showbiz. Idagdag pa na inaagaw rin ito ng ibang mga estasyon ng TV kaya naman lumaki na ang ulo. "Um... O-on the way na raw siya, Miss Shyne. May dinaanan lang daw po," takot na takot na sagot ng isang staff sa photoshoot na iyon sa dalagang mataray. Kung 'di pa ito itinulak ng ibang staff ay 'di nito kayang harapin at sagutin ang nagrena-reynahang dalaga. "My God! Kanina pa 'yan na sinasabi mo sa 'kin! You all just wasting my time here!!" bulyaw ni Shyne sabay tabig sa kamay ng nagmemake-up rito na bakla at galit na tumayo. Aligaga na nag-dial ng phone si Jolove. Siya ang personal assistant ni Shyne na nasa tabi lang at tahimik. Ito ang mas takot kapag nagwawala ang alaga nito. "Sagutin mo! Dali!!" sa isip-isip nito habang inaantay na sagutin ang tawag nito sa kabilang linya. Si Charlotte na PA naman ni Shone ang tinatawagan nito. "Hello?" sagot ng baklang si Charlotte sa tawag makalipas ng ilang ring. "Nasa'n na kayo? Nagwawala na naman ang bru rito!" Mahina ang boses na heystirikal agad ni Jolove sa kabilang linya. Nakatakip pa ang isag kamay nito sa bunganga nito para 'di ito marinig ni Shyne. 'Bru' ang tawag ng dalawang PA kay Shyne. Short cut ng BRUHA. Dahil bruha naman talaga ang dalaga. Sumikat lang ay akala mo kung sino na. "Nandito pa kami Sanchi College. Nag-text naman ako sa staff diyan na male-late si Shone, ah? Hindi ba niya natanggap?" Nakangiwi na rin si Charlotter. "Oo, nabasa ko nga , eh. Pero kasi 'di na naman makapag-antay si Bru." "Ay, grabe talaga 'yang babaeng 'yan." "Bilisan niyo na kasi. Baka magwalk-out na ito. Sayang ang araw." "Sige! Sige!" At ibinaba na ni Charlotte ang phone. Nga lang ay 'di nito alam kung paano aagawin ang atensyon ni Shone ngayon. Paano'y parang nakapagkit na ang tingin ng binata sa babaeng nasa dulong upuan ng classroom. Sinubukan ng baklang kinalabit sa balikat ang alaga, ngunit parang 'di naramdaman ng Shone iyon.         ******** KIKIBOT-KIBOT ang mga labi ni Yolly kasi naman nate-tense na siya sa pagtitig na sa kanya ni Shone. Pakiramdam niya ay matutunaw na siya. Kung nakakakilig kanina, ngayon parang natatakot na siya sa binata. Grabe naman kasi kung makatitig sa kanya ito. Nakakatunaw. "Ang ganda mo talaga, girl. Parang pati si Shone, eh, inlababo sa 'yo agad," kinikilig na bulong ni Diane sa kanya. "Ano bang sinasabi mo?" Pasimpleng siniko ni Yolly bahagya ang bago niyang kaibigan. Hindi siya naniniwala na magkakagusto si Shone sa kanya. Si Shone Ramirez 'yan, eh. Sikat 'yan, eh. Imposible. Kumilos si Shone. Palapit sa kinaroroonan nila. Napalunok siya. "Hi," at bati nito sa kanya na matamis ang ngiti. Napakamot-batok naman si Charlotte na nasa likod ni Shone. Nabahala ito dahil ano bang ginagawa ni Shone? Kapag nagkaton ay siguradong laman na naman ito sa balita. Patay sila kay Shyne, lalo na sa mga managers. At pati na sa mga fans. Ang alam kasi ng lahat lalo na ang mga supporters ni Shone at Shyne ay mag-on na sa totoong buhay ang dalawa. Kaya lagot kapag maibalita ito, na may ibang babaeng gustong makilala ni Shone, na nag-enroll pa talaga rito sa Sanchi College ang binata para makilala ang babaeng ito. Gosh! Nababahala nang husto ang baklang PA. Ngunit wala naman itong magawa. "Hi," kiming bati rin ni Yolly sa binatang iniidolo. "I'm Shone," at talagang pagpapakilala pa nito sa kanya. "Oo kilala kita. Sino naman ang 'di makakakilala sa 'yo?" "Oo nga. Avid fan mo ako, Shone. Ako si Diane," singit ni Diane. Nginitian naman ito ng binata. Ta's balik tingin siya ulit kay Yolly, tingin na nag-aantay sa pagpapakilala rin niya. "Um... A-Ako naman si Yolly." Nakaramdam na pakilala na nga ni Yolly.  "And she's married." Ang 'di nga lang niya inasahang isasabat ni Leandro. Sabay ang pagtayo nito at pagtaas nito ng isang kamay niya na may wedding ring. Halatang-halata sa pagkabigla si Shone na napatingin sa wedding ring niya. Pinandilatan niya naman si Leandro. Siya ang nahiya kay Shone. Kailangang ipaalam agad 'yon? Nakikipagkilala lang naman ang tao, eh. Pasaway na Leandro. "Is that so? Ang suwerte naman ng asawa mo, Yolly," subalit sabi ni Shone na nakangiti pa rin at parang wala lang 'yon. "Siya ba 'yung nakita ko kahapon na kasama mo? Medyo bagay nga kayo. Medyo lang." Nahihiya at medyo nakangiwing tumango siya. Medyo lang talaga? Eh? "Ako 'di pa ako taken?!" singit ulit ni Diane na parang kiti-kiti sa kinatatayuan. 'Di mapakali. Tiningnan ito nang masama ni Leandro. "Isusumbong kita kay Rj!" "Biro lang, oy!" Nag-peace sign si Diane kay Leandro. Tapos ay muling hinarap ni Leandro ang sikat na binata. "Siguro dapat ka nang maghanap ng mauupuan mo kung kaklase ka namin dahil mayamaya pa'y darating na ang prof natin. Nandito ka naman siguro para mag-aral 'di ba at hindi para makipag-flirt lang?" Ngumuso-nguso si Shone. Tumingin nga ng mauupuan ito. Parang masunurin naman. "Dito ko gusto umupo, eh." Subalit bigla ay turo nito sa kanina ay kinauupuan ni Leandro. Ta's makikitang nakipagtitigan ito nang masama kay Leandro bago ngumisi. Parang nag-aasar lang. Napanganga naman siya. Huwag naman sanang magkakagulo! Naku po! "Dito ako nakaupo," sabi na nga't protesta ni Leandro. Kahit artista ang kaharap ay wala itong pakialam. "Pwes ako na rito ngayon," kalmadong sabi pa rin ni Shone. Ayaw ring patalo. "Okay lang ba mga classmate?" at mayabang na tanong pa nito sa mga kaklase. Nagtawag ng kakampi. "Leandro, hayaan mo na lang siya. Doon ka na lang, please?" kinakabahang pakiusap na ni Yolly kay Leandro. 'Di na niya gusto ang nangyayari. "Gusto mo lang siyang makatabi, eh!" "Hindi naman. Para wala ng gulo, sige na?" sumamo niya. Jusko naman! "Oo nga, Leandro. Huwag ka nga! Paupuin mo na si Shone riyan. Nakakahiya sa kanya," sabi ng isang estudyanteng kumampi na nga kay Shone. "Dito ka na lang, Leandro," alok ng isa pa. "Huwag ka ngang paimportante." "Idol, sige na. Umupo ka na sa tabi ni Yolly," sabi ng isa kay Shone. Lalong nag-init ang ulo ni Leandro. Uupakan nito sana ang mga nagsalitang iyon buti na lang at napigilan nila ni Diane ito sa magkabilang braso. "Sorry, dude. Ganito talaga 'pag guwapo at sikat," pagyayabang pa ni Shone bago umupo ng padikwatro sa gusto nitong upuan. Nginitian nito ang mga nagsalita bilang pasasalamat saka binalingan siya. "Yolly, umupo ka na rin. Tabi ka sa guwapo hindi sa tulad niya na trying hard lang maging guwapo!" "Anong sabi mo?! 'Di mo ba alam mayaman ako!" Muntikan na itong mahablot ni Leandro. Buti at pumagitna na si Charlotte. "Pasensiya na kayo sa kanya." Ito na ang yumuko kay Leandro bilang paghingi ng despensa. "Leandro, ano ba?!" Hinila naman ni Yolly si Leandro palayo kay Shone para kausapin. Tumulong na rin ang ibang estudyante kasi baka magkabugbugan na talaga ang dalawa. "Leandro, masakit man pero tanggapin na lang natin na hindi mapapasaatin si Yolly my loves," gatong ng isang lalaki na kaklase nila. Ito ang inupakan ni Leandro. Binatukan niya ito. "Isa ka pa, eh!" Napa-tsk naman ang iba. Wala pa si Andy riyan, ah. Pero ang gulo na ng Pilipinas. "Leandro, tama na kasi!" awat ni Diane. "Ang yabang, eh!!" malakas na boses pa rin ni Leandro na dinuro si Shone. "Kala mo kung sino ka, ah!!" Ngunit wala na iyon kay Shone. Nakangiti ito na kumampante ng upo, ngiting wagi. Sinamantala iyon ni Charlotte na iiling-iling na lang sa alagang binata. Sabi na nga ba nito at gulo ang kalalabasan ng pag-i-enroll ni Shone rito. Tsk. "Shone, hinahanap ka na sa photo shoot niyo ni Shyne." "Hayaan mo sila!" na-badtrip agad na turan ng binata. Naiinis talaga ito 'pag tungkol sa trabaho. Simula't sapol kasi ay artista na ito. Kaya sawang-sawa na ito. Mommy lang nito ang nagpipilit na ituloy ng binata ang pag-aartista. Palibhasa instant celebrity Mom din ito dahil sa anak. "Shone, pa-picture?" Gayunman ay pinagbigyan ni Shone ang mga estudyanteng magiging kaklase nito. Nagkagulo na sa loob ng classroom. Lahat ay gusto ay maka-picture ang binata bago magsimula ang klase. Na mabilis kumalat sa iba't ibang klase. "Oy si Shone Ramires dito raw Sanchi mag-aaral!" pagbabalita ng isang kaklase ni Andy galing sa labas. "Talaga?!" Awtomatikong kinilig ang ibang girls. Natigilan naman si Andy. Agad nagsalubong ang dalawang kilay niya. Napapalibutan ito ng kapwa niya lalaki dahil nagbulontaryo ang mga ito na gumawa ng grupo. Pagdating ni Andy kanina sa klase ay sinalubong agad siya at sinabing tropa na raw ng binata ang mga ito at siya ang leader. At dahil wala na ang mga tropa niya noon ay pumayag na siya. Kaya naging busy na na siya. "Anong sabi mo?" Nakabusangot niyang tanong sa babaeng nagbalita. "Ah.. eh.. sabi lang sa akin 'yon, Andy." "Nasa'n siya?" "Sa klase nina Yolly!" Hindi na mailarawan ang naging mukha ni Andy. Naalarma na siya.........    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD