"'NAY, Yaya Doring, papasok na po ako," paalam ni Yolly na abala sa pagche-check sa bag niya kung kumpleto ba ang gamit niya sa pagpasok sa school. Naka-kiss na rin siya sa mga anak niya. "Ingat ka, Anak." Malakas na boses ni Aling Yolanda mula sa kusina. "Opo." Inayos na niya ang bag niya sa balikat niya at lalabas na sana siya sa may pintuan ng bahay nila nang bigla ay nagbukas iyon. At agad nagsalubong ang dalawang kilay niya nang pumasok doon si Andy. "Anong ginagawa mo na naman dito? Hindi pa Sabado, ah." "Pinadala sa akin dito ni Mommy." Seryoso ang mukhang tinaas ni Andy ang dalawang plastik bag ng groceries. "Para raw sa mga apo niya.." Sisinghalan dapat niya ito pero kasi ay biglang bungad si Aling Yolanda mula sa kusina. "Oy Andy, Anak, buti napadaan ka ulit?" "Opo, Nay." N