"PAPUNTA na nga ako sa airport," sabi ni Leandro na takang-taka sa kabilang linya. Sa isip-isip niya ay anong pinagsasabi ni Yolly? Bakit parang iba itong magsalita ngayon? "Sige, pupuntahan kita ro'n. Antayin mo ako." "S-sige, ikaw ang bahala. Pero paano si--" Naputol ang sinasabi niya na dapat sana ay 'Paano si Andy? Papayagan ka ba niya ,eh, gabi na?' dahil nag-tot-tot na ang linya. Ibig sabihin ay pinatay na ni Yolly ang tawag. Takang-taka ang binata na napatitig sa cell phone niya. "Si Yolly ba 'yon?" tanong ni Max sa kanya na nagda-drive ng kanyang kotse. "Oo at ang weird niya ngayon. Pupuntahan daw niya ako. Mag-usap daw kami dahil hindi raw ako puwedeng umalis. Hindi ko raw siya pwedeng iwanan." Napatingin si Max sa kaniya sa rareview mirror. "Gano'n? Bakit naman niya sasabihi