bc

The Ruthless Mafia Boss Is My Bodyguard

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
family
HE
fated
opposites attract
dominant
badboy
mafia
heir/heiress
drama
sweet
bxg
campus
musclebear
love at the first sight
addiction
assistant
like
intro-logo
Blurb

"Papatayin mo ba ako kung uutusan ka ng daddy mo na barilin ako?"

Natigilan ang batang mafia heiress sa tanong ng lalaking matagal na niyang pinagkakatiwalaan—ang sarili niyang bodyguard.

"W-What do you mean? No!"

Ngunit mapait lamang itong ngumiti.

"Sinasabi mo lang 'yan. Kapag nalaman mo ang tunay kong pagkatao, ikaw mismo ang lalayo... o baka ikaw pa ang pumatay sa akin."

Ang hindi alam ng dalaga, ang lalaking inakala niyang tagapagtanggol ay ang pinakakinatatakutang mafia boss sa buong underground world—isang lalaking nagkunwaring bodyguard para sa iisang misyon: ang patayin siya.

Ngunit paano kung habang papalapit ang araw ng kanyang paghihiganti, siya naman ang unti-unting nahuhulog sa babaeng dapat niyang kitilin?

Sa mundong puno ng kasinungalingan, dugo, at pagtataksil, alin ang mas matimbang—ang utos ng ama... o ang pag-ibig na hindi kailanman dapat nabuo?

Kapag dumating ang sandaling kailangan niyang pumili, sino ang mamamatay... ang target, o ang pusong matagal nang sumuko sa pag-ibig?

******

LMCD22

chap-preview
Free preview
Chapter 1
3rd Person's Point of View "You like that?" Dahan-dahang tinataas-baba ni Mikhaela ang binti niya sa binti ng lalaking nasa harapan niya habang malandi niya itong tiningnan. Wala pa rin itong response sa tanong niya. Tahimik na bumalot ang marangyang dining hall sa banayad na tunog ng mga kubyertos na marahang sumasayad sa mga mamahaling plato. Mula sa malalaking bintanang yari sa salamin ay pumapasok ang ginintuang sinag ng papalubog na araw na nagbibigay ng mainit na kulay sa kabuuan ng silid. Nakaupo si Mikhaela sa mahabang mesa kasama ang kaniyang ama at ang lalaking matagal nang laman ng kaniyang isipan. Si Sebastian. Tahimik itong nakaupo sa tapat niya habang maayos na hinihiwa ang steak na nasa plato. Gaya ng dati ay walang mababasang emosyon sa guwapo nitong mukha. Ang malamig nitong ekspresyon ay tila isang pader na walang sinuman ang kayang basagin. Tahimik lamang siyang pinagmamasdan ni Mikhaela. Hindi niya maintindihan kung bakit habang mas mailap ang lalaki ay lalo siyang naaakit dito. Marami nang lalaking lumapit sa kaniya. Marami na ring yumuko sa harapan niya. Ngunit si Sebastian lamang ang nagawang tratuhin siya na para bang isa lamang siyang ordinaryong tao. At marahil iyon ang dahilan kung bakit hindi niya ito maalis sa kaniyang isipan. Habang abala ang binata sa pagkain ay hindi naman maalis ang tingin ni Mikhaela rito. Para bang bawat simpleng kilos nito ay sapat na upang maagaw ang kaniyang buong atensyon. Napansin niyang saglit na huminto si Sebastian sa pagkain bago dahan dahang nagtaas ng tingin. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Ngunit gaya ng dati ay nanatiling kalmado ang lalaki bago muli nitong ibinalik ang pansin sa pagkain. Bahagyang napangiti si Mikhaela. Lalo lamang siyang natutuwa sa tuwing hindi ito madaling nagpapadala. "Sebastian." Napalingon ang binata sa ama ni Mikhaela. "Yes, Sir." Ibinaba ng mafia boss ang kubyertos bago siya nagsalita. "I'm leaving the country today." Bahagyang natigilan si Mikhaela. Hindi niya inaasahang aalis ang kaniyang ama nang ganoon kabilis. "I'm entrusting my daughter to you. Whatever you do, don't ever let anything happen to her." "Understood, Sir." Maikli ngunit matatag ang naging sagot ni Sebastian. Hindi na ito nagtanong pa. Para sa kaniya ay isa lamang iyong utos na kailangan niyang sundin. Samantala ay nanatiling tahimik si Mikhaela. May kaunting pagtataka siyang naramdaman dahil sa biglaang pag alis ng kaniyang ama. Ngunit nang maisip niyang si Sebastian ang mananatiling kasama niya ay napawi rin ang kaniyang pag aalala. "Princess." Hindi niya narinig ang unang tawag ng kaniyang ama. Patuloy lamang siyang nakatingin kay Sebastian. "Princess." Napakurap siya at saka napalingon. "Dad? Bakit?" Napailing ang kaniyang ama bago marahang ngumiti. "Kanina pa kita tinatawag." Napakamot siya sa batok at bahagyang natawa. "Sorry." Napabuntong hininga ang kaniyang ama. "Alam kong gusto mo si Sebastian." Bahagyang lumawak ang ngiti ni Mikhaela. "Hindi na iyan lihim." Ngunit agad ding naging seryoso ang kaniyang ama. "Pero alam mong may fiance ka na." Napapout siya. "Dad." Mahina siyang natawa. "He's only my plaything." Napatingin siya kay Sebastian. "Hindi ba, my bodyguard?" Tahimik lamang ang binata. Hindi ito sumagot. Hindi rin ito tumingin sa kaniya. Tila ba wala itong narinig. Napatawa si Mikhaela. "Okay." Mas lalo siyang ngumiti. "Silence means yes." Napailing na lamang ang kaniyang ama. "Fine." Bahagya itong natawa. "You can tease him all you want. Pero huwag mong kalilimutang may fiancé ka." Tumango si Mikhaela. "Yes, Dad." Muling tumingin ang kaniyang ama sa relo. "I think I need to go." Tumayo ito mula sa upuan bago muling hinarap si Sebastian. "Take care of my daughter." "I will." Maikli ngunit seryosong sagot ng binata. Lumapit naman si Mikhaela sa kaniyang ama at mahigpit itong niyakap. "Take care." "You too, Princess." Pagkatapos noon ay tuluyan nang umalis ang kaniyang ama. Tahimik na sinundan niya ito ng tingin hanggang sa tuluyang magsara ang pintuan. Nang muli siyang lumingon ay wala na rin si Sebastian sa kaniyang kinatatayuan. Napakunot ang noo niya. "What the..." Napabuntong hininga siya. "Ang bilis talagang mawala." Hindi niya mapigilang mapailing. Napakacold talaga ng lalaking iyon. Ngunit sa bawat pagkakataong sinusubukan siyang iwasan nito ay lalo lamang lumalakas ang kagustuhan niyang mapalapit dito. Unti unting bumalik sa kaniyang alaala ang unang pagkakataong nagkrus ang kanilang mga landas. Ang gabing tuluyan niyang ibinigay ang interes sa isang lalaking walang pakialam sa kaniyang pangalan. Flashback Madilim ang kalangitan nang gabing iyon. Tanging mga ilaw ng poste sa gilid ng kalsada ang nagbibigay liwanag sa mahaba at halos walang taong daan. Tahimik na nagpapatakbo ng sasakyan si Mikhaela. Mahilig siyang magmaneho nang mag isa sa tuwing nais niyang makalayo kahit sandali sa magulong mundo ng kanilang pamilya. Ngunit ilang minuto pa lamang ang lumilipas ay napansin niyang may sasakyang kanina pa nakabuntot sa kaniya. Hindi lamang isa. Kundi dalawa. Napakunot ang kaniyang noo. Sinubukan niyang lumiko sa ibang daan. Ngunit sumunod pa rin ang mga ito. Unti unting bumilis ang t***k ng kaniyang puso. Hindi siya sanay sa ganitong sitwasyon. Bagaman anak siya ng isang mafia boss ay hindi siya kailanman isinama ng kaniyang ama sa mga mapanganib na misyon. Palagi siyang pinoprotektahan nito. Isa lamang siyang spoiled na prinsesa sa paningin ng marami. Ngunit ngayong gabi ay tila wala ang lahat ng proteksiyong iyon. "Damn." Mahigpit niyang hinawakan ang manibela habang sinusubukang tawagan ang kaniyang ama. Bago pa man siya makapindot ay isang malakas na putok ang umalingawngaw sa paligid. Sumabog ang isa sa mga gulong ng kaniyang sasakyan. Agad na kumabig ang kotse. Halos mawalan siya ng kontrol habang paikot itong dumulas sa madilim na eskinita. Nagtilian ang mga gulong hanggang sa tuluyan itong huminto. Nanginginig ang kaniyang paghinga. Mabilis niyang kinuha ang cellphone. Ngunit bago pa siya makatawag ay napalibutan na ng apat na armadong lalaki ang kaniyang sasakyan. Sunod sunod nilang itinutok ang mga baril sa bintana. "Bitawan mo ang phone." Unti unting namutla si Mikhaela. Wala siyang nagawa kundi ibaba ang cellphone at marahang itaas ang kaniyang mga kamay. Binuksan ng isa sa mga lalaki ang pintuan. Lumabas siya nang dahan dahan habang pilit na pinananatiling kalmado ang sarili. Ngunit sa kaibuturan ng kaniyang puso ay nagsisimula nang manaig ang takot. Hindi niya alam kung paano siya makakatakas. At wala siyang kasiguraduhan kung may darating pa bang tutulong sa kaniya. ***** LMCD22

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.0M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
802.2K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.0M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
1.0M
bc

A Warrior's Second Chance

read
375.3K
bc

Not just, the Beta

read
358.2K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook