CHERY “Ouch, dahan-dahan naman Kuya...” mahinhing daing ni Miss Rycee habang dinadampi-dampi ni Sir Huston ang maliit na ice bag sa kaliwang pisngi n’ya na namamaga. Naka-upo s’ya sa harap ng kapatid n’ya na naka-sandal sa head board ng kama habang ako naman, naka-tayo sa kaliwang gilid at kapit-kapit ‘tong first aid kit. “I can’t believe she did this to me, ako na nga ‘yong nakisama pero ito ‘yong ginawa n’ya. She is a witch kuya, please ‘wag mo na s’yang pababalikin dito. I am scared...” namamaos n’yang wika sabay suminghot-singhot kahit walang uhog. “Don’t worry baby, she’s gone. Huwag ka na’ng umiyak,” seryosong tugon ni Sir Huston habang ganu’n pa rin ang ginagawa sa pisngi n’ya. Napa-buntong hininga na lang ako sa isipan ko habang pinagmamasdan silang dalawa. Grabe ang natamo ni Mi