“Oh what happened to you? Para kang basang sisiw ah.” Napa-ngisi na lang din ako ng pagak sa sunod n’yang sinabi dahil nando’n pa rin nananginginsultong tono. Pambihira naman oh, sa lahat ba naman ng taong dadaan dito, s’ya pa talaga. Hindi ko s’ya sinagot at pinagpatuloy ang paglalakad dahil alam kong pagtatawanan lang n’ya ako. “For sure something happened, right? Did you two broke up na? How exciting, I told you!” dagdag n’ya pa sabay halaklak na um-echo ‘yon sa paligid. Wala pa rin akong imik at ginawa ko ang lahat para bilisan ang mga hakbang dahil pupunta pa ako sa village ni Lailah. Baka nandu’n s’ya at doon muna ako didiretso, kahit nakakaramdam ako ng hilo at sinabayan pa ng nakakapanindig balahibong hangin, gagawin ko lahat para makarating doon. “Bye, Melendice! Don’t worry, it