Chapter 75 HINDI pa rin mapakali si McKenzie sa puwesto niya habang umiinom ng alak kaya tumayo siya. I know this night is not just a night dahil kailangan mangyari ang matagal na niyang binabalak. Matagal na siyang nilamon ng galit ang emosyon na gustong lumabas noon pa man kaya hindi na niya pipigilan ito. Lumipat siya sa pwesto niya at tumanaw sa labas ng balkonahe. Ramdam niya ang malamig na simoy ng hangin. Hindi niya mawari ang nararamdamang kaba sa mga oras na iyon. Natigilan siya at agad na kinuha ang phone niya sa bulsa nang mag-vibrate ito. Agad niyang sinagot nang makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang ama. 'Hello…' 'Let’s go to the hospital, na aksidente ang kapatid mo.' Nagkunwari siyang concern lalo na’t gusto niyang malaman ang kalagayan ng kapatid. 'Yeah, I’ll go.

