PAGLINGON ni Saddie sa opisina ng kanyang boss na si Maven ay hindi pa rin ito lumalabas, pag tuwing ganitong last week of the month crucial week ito sa opisina lalo na sa boss nilang si Maven para i-check ang mga reports sa natapos na buwan lalo na't ayaw nitong nagkakamali. Napabuntong-hininga siya at nang i-check niya ang orasan nasa alas otso na ng gabi. 'Hindi pa kumakain si sir sa malamang,' sa isip-isip ni Saddie. Umalis siya sa lamesa niya at wala pa siyang balak umuwi dahil mas nauuna pang umalis si Maven kesa sa kanya bilang sekretarya lalo na't baka may ipag-uutos pa ito. Hindi siya kumatok at bahagyang binuksan ang pinto para masilip ang amo sa loob nang tanging laptop at lampshade na lamang ang liwang na meron sa loob, abala pa rin ang amo niya sa pagtipa sa laptop nito. Bah