“Put me down, Mr. Ildefonso,” bulong ni Saddie na tama lang para marinig ni Maven ang sinabi niya. Natigilan ang binata at hindi alam kung anong ibig sabihin ni Saddie. Halos malapit na sila sa infirmary nang tumigil si Maven sa hallway patungo roon, hindi gustong maging emosyunal ni Saddie, ayaw din niyang may maramdaman na naman siya sa binata na lalo lang niyang kinaiinisan. “Ibaba mo ko, sir,” pag-uulit nito. “Why?” kunot-noong tanong naman ni Maven. Wala sa sariling binaba ang dalaga at agad na lumayo si Saddie kay Maven. Iika-ika siyang naglakad kahit pa nahihirapan pa ito, lalapit sana si Maven sa kanya nang kamuntik na naman siyang matumba. “Huwag kang lumapit sa akin,” may pumatak nang luha kay Saddie. “Bakit ka ba nagkakaganyan?” “Huwag kang lumapit sa akin, I don’t need

