ALMOST mag-iisang buwan na si Saddie sa Casa Ildefonso, mas naging malapit pa siya sa binata ng hindi niya inaasahan. Napakaordinaryong araw lamang iyon para sa kanila ni Maven nang habang nagpapahinga sila sa hardin nang may dalawang guard mula sa main gate ang pumasok at animoy may sinisipat. Napasulyap sila kay Saddie nang makita ito kaya agad na tumayo ang dalaga nang maramdaman niyang siya ang kailangan nito. Lumapit ang dalawang bagong dating na guard at huminto sa harapan niya. "Good morning po," bati niya sa dalawa kahit pa masyadong seryoso ang mukha nito. "Maganda po sa inyo, sir Maven, at ma'am Carmina, pero may mga protesta raw po sa labas ng hacienda, biglaan po ang mga dating nagtatrabaho na napatanggal noong nakaraang buwan na hanggang ngayo'y hindi pa binibigay ang kanil