NAALIMPUNGATAN si Saddie nang makarinig siya ng ingay mula sa kabilang silid, muli niyang ipinikit ang mga mata saka nagtago sa kumot ngunit napabalikwas siya ng bangon nang maalala niya ang silid sa kabila ay kay Maven.
Kahit pa pipikit-pikit ang mga mata, hindi pa nakapaghilamos ay lumabas siya ng silid saka dumiretso roon, nakita niyang may ilang kasambahay na nasa labas ng silid ni Maven na siyang pinagtaka niya nang sumilip siya may tatlong dalaga ang nakayuko sa harapan ni Maven at isang binata, may basag na vase sa paanan gilid ng amo niya.
Halata ang galit sa mukha ni Maven, papasok sana si Saddie nang marinig niya ang sinabi ng binata sa mga ito.
"Sino ang naglagay ng vase sa gitna?" pasigaw nitong tanong na siyang kinagulat ng lahat. "Sino o sisisantihin ko kayong lahat?"
Nag-aalangan sumagot ang isa at ang pinakabata sa kanila ay umiiyak na sa takot. Ramdam ang tensyon hanggang sa labas ng silid na baka matanggal silang lahat ngunit wala ni isa sa mga kaharap ni Maven ang gustong umamin ng kasalanan nila.
"Isa…" nag-umpisang magbilang si Maven.
Natigilan si Saddie ay biglang sumagi sa kanyang alaala noong unang taon pa lamang niya sa kompanya bilang amo si Maven. Hindi niya makakalimutan lalo na nong una siya nitong mapagalitan sa pagkakamali niya.
"Isa! Dalawa! Pagbilang ko ng tatlo at wala pa ring aamin lahat kayo sa department ko sisinti!" nangagalaiting sigaw ni Maven sa lahat ng empleyado niya.
Nanginginig si Saddie at hindi alam kung aamin. Hindi niya gustong matanggal ngunit kung sakaling umamin siya maari siyang pagbigyan o matanggal, mahal niya ang trabaho niya sa kompanya pero ayaw din niyang madamay ang mga kasama niya.
"Tat---"
"A-ako...ako po, sir!" hindi na napigilan pa ni Saddie na may madamay dahil sa pagkakamali niya, iisipin na lang niya na kung sakaling matanggal siya'y baka makahanap pa siya ng trabaho, siguradong may tatangap sa kanya dahil credible naman ang mga documents niya.
Lahat ng mga kasamahan niya'y napasulyap sa kanya, natatakot para sa kanya at lalo na si Maven na nakakunot-noo. Ang lalim ng paghinga ng binata ay pinipigilan ang emosyon na sumabog dahil ongoing pa rin ang event na inaasikaso nila.
Pa-event nila sa isang mall at kasama ang ilang ambassadors ng kompanya galing sa ibang bansa, nagkamali ng served ng in-order na pagkain si Saddie dahil siya ang nakatuka sa pagkain maliban sa pag-asssist sa mga bisita, may isang bisita na allergy sa spicy food na hindi inaasahang nakain ng isa ang pagkain na yon kaya agad na isugod sa sa ospital, si Saddie rin ang nagsugod sa bisita.
"Go to my office now," simple lang ang utos ni Maven pero nangangatog na ang tuhod ni Saddie.
Walang nagawa ang dalaga kundi ang sumunod sa amo niya sa loob ng opisina nito, pagkapasok nila huminto si Maven sa gitna at saktong pagharap nito sa direksyon ni Saddie agad na lumuhod ang dalaga sa kanya para humingi ng tawad.
Nakaramdam ng awa at inis ng sabay si Maven kay Saddie. "You know how much this would cost for our company?"
"Sorry, sir, hindi ko alam na may bawal silang kainin, hindi ko po sinasadya, sir, sorry po, huwag po sana ninyong tanggalin, yung nagastos po ng company sa pagpapa-ospital niya kung maari po basta huwag lang ninyo ako tanggalin," maluha-luha na pagmamakaawa ni Saddie. "Hindi na po mauulit, pagbigyan pa po ninyo ako ng isang pagkakataon, sir."
Hindi alam ni Maven kung ano ba ang dapat niyang maramdaman para sa empleyado, naikuyom niya ang kamao at saka huminga ng malalim saka lumapit sa lamesa para maupo roon. "You can go now, bumalik ka na sa event at susunod na lang ako. Baka may kailangan sila at wala ka…"
Nabigla si Saddie sa pagiging malumanay ni Maven at pagpapakumbaba nito sa kasalanan niya kaya napasulyap siya sa direksyon ng boss. Nakasandal ito sa upuan niya at nakapikit ang mga mata.
"I let it slide this time pero pag naulit pa 'to hindi ka na makakakuha pa ng chance sa akin, Ms. Villegas, kaya bumalik ka na sa event baka kailangan ka na roon at susunod na lang ako," dagdag pa ng amo niya.
Nanghihina man ay pinilit ni Saddie na tumayo at gulat na gulat sa desisyon ni Maven para sa kanya ngunit pinagpapasalamat niya iyon. "Maraming salamat po, sir, babalik na po ako, salamat po uli."
Pinunasan niya ang luha niya at ginawa ang utos ng amo. Pinangaki niya simula sa araw na iyon pagbubutihin niya ang trabaho, kung maari wala dapat siyang maging mali at maging perpekto siya sa standard ni Maven---na siyang nagawa naman niya, binago niya ang sarili para kay Maven.
Muling bumalik sa realidad si Saddie nang marinig ang pangalawang bilang ng binata at pumasok na siya sa loob. "Ano bang nangyayari, Mav?" tanong niya kay Maven.
Bahagyang nabigla si Maven sa kanyang biglang pagsulpot at napasulyap sa gawi ng direksyon ng boses niya. "Ako nang bahala rito---"
"Umagang-umaga bad trip ka, hayaan mo muna sila at pag-usapan natin ang nangyari pagkatapos ng agahan. Pwede namang linisin ang kalat," wika ni Saddie. "Kaya pabalikin muna sila sa mga kanilang trabaho."
"Hindi wala pang umaamin at saka paano kung napahamak ako sa basag na---"
"You so stubborn, Maven, intindihin mo rin sila minsan, lahat naman ng tao nagkakamali pero hindi naman ibig sabihin kailangan mo nang magalit sa kanila," sabi ni Saddie at hindi siya nagpatalo sa binata.
Huminga ng malalim ang binata at pinipigilan ang sarili na maglabas pa ng hinaing. "Pakilinis ng kalat at bumalik na kayo sa mga gawain ninyo," utos ni Maven.
Ngumiti naman si Saddie sa mga kasambahay na nakahinga ng maluwag sa ginawa niyang pagtulong sa mga ito. Agad nilang nilinis ang nabasag na vase at nagmadaling lumabas ng silid. Napansin ni Saddie ang baston na itim na nakasandal lang sa isang gilid ng kabinet kaya kinuha ito ni Saddie.
"Dapat ginagamit mo ang baston na ito para pang kapa sa paligid mo at alam mo kung saan ka pupunta o kung may sagabal ba---"
"Ayoko, Carmina, hindi ako gagamit niyan," pagmamatigas ni Maven. "Nagmumukhang tanga ako pag gagamitin ko yan, huwag mo namang ipamukha sa akin na may kulang sa akin."
Nabigla si Saddie at hindi napakunot-noo na nakatitig sa binata. "Bakit mo iniisip yan?"
"Kasi yon ang nararamdaman ko, ngayon na lang tayo nagkasama ganyan ka pa sa akin, tinuturing na nga aking bulag ng lahat ng narito, ikaw rin pala. Dahil ba may kulang na sa akin, ramdam ko rin yung pagbabago mo, hindi ko na maramdaman yung dating ikaw, Carmina…"
Nabigla si Saddie sa kanyang narinig at hindi alam ang gagawin. Parang bumigat ang ulo niya at na estatwa sa kinatatayuan niya.
"Ikaw pa ba yan, Carmina? Bakit parang ang laki ng pinagbago mo? Mahal mo pa ba ako?" malungkot na boses ni Maven.
Sandaling katahimikan at walang umiimik sa kanila.
"I'm sorry, this is useless, mag-almusal ka na," wika ng binata saka kinapa ang kama niya at naupo roon.
Wala ring dahilan para magtagal pa roon si Saddie kaya lumabas na siya ng silid at nag-iisip ng maari niyang gawin para gumaan ang pakiramdam ni Maven.
'Sa bahay na 'to hindi ikaw si Saddie, ikaw si Carmina, tandaan mo yan…' sa isip-isip ni Saddie sa kanyang sarili.
Bumalik siya sa kanyang silid saka nagligpit ng kama, naligo na rin siya at nagbihis ng bagong damit bago bumaba ng dining area. Agad siyang binati ng ilang kasambahay doon saka siya nag-agahan, tama lang dahil inaalala niya si Maven na hindi pa nag-aalmusal kaya pinaghanda niya ito.
Pagkatapos niya roon ay agad siyang bumalik sa silid ni Maven na nakaupo pa rin sa kama niya, pumasok siya at saka nilapag sa tabi ni Maven sa kama ang tray na dala niya na may pagkain para sa binata.
"Almusal ka na naghanda ako para sa 'yo tapos labas tayo---"
"Ayoko," mabilis na tanggi ni Maven kay Saddie.
"Nagtatampo ma pa rin ba," saka kinuha ni Saddie ang isang tasang mainit na kape para kay Maven. "Ito oh---aray!"
"Ayoko nga sabi, Car---sorry!"
Naitabig ni Maven ang tasang hawak ni Saddie nang hindi sinasadya, naubuhos lahat sa kamay ni Saddie para lang mailagang hindi tumama sa paa ni Maven ang tasa kaya siya ang nasaktan, nagkalat sa sahig ang kape at bahagyang may crack ang tasa.
Bumaba si Maven at nag-aalalang kinapa si Saddie ngunit agad na umiwas si Saddie saka ang nanginginig niyang kamay.
"Ako na," mabilis na niligpit ni Saddie ang kalat na baka madulas ang binata.
"Sorry talaga hindi ko sinasadya, Carmina," nag-aalalang wika ni Maven.
"Okay lang," mabilis na kumuha ng mop si Saddie hanggang sa tuluyan niyang nalinis ang sahig. Masakit pa rin ang kamay ni Saddie dahil sa mainit na kape ngunit hindi na niya ito inisip dahil mas inisip pa rin niya si Maven na baka madulas sa basa.
Nakatigil lang si Maven sa isang puwesto at hindi pa rin alam kung anong gagawin. Lalong nainis si Maven sa kanyang sarili na naging bulag siya kaya hindi niya magawa ang gusto niyang gawin at pati ang mga taong nasa paligid niya'y nadadamay niya.
HINDI alam ni Saddie kung anong gagawin niya sa araw na iyon dahil ayaw din niyang istorbohin si Maven sa silid nito, kaya lumapit na lamang siya sa mga kasambahay na nag-aayos ng mga halaman at nilalagay sa mga bagong pot.
"Pwede ba akong tumulong?" tanong niya sa mga ito.
Nabigla ang dalawang dalaga at nagkatitigan. "Naku, madam, huwag na po bisita po kayo rito at hindi---" hindi natuloy ang sasabihin na may maigsing buhok at mas bata sa lahat nang bumaba si Saddie at humawak ng lupa ang isa nitong kamay dahil may benda ang isa niyang kamay sa pagkakapaso.
"Kaya ko 'to, naghahalaman din kami ng mama ko sa bahay namin kaya simple lang yung mga ganitong gawain sa akin," wika ng dalaga habang maingat na tinatanim ang halaman katulad ng ginagawa ng dalawang kasama.
Natuwa naman ang dalawang kasambahay sa kanya lalo na't wala siyang kaarte-arte sa katawan.
"Maraming salamat po kanina kung wala po kayo baka po wala na kami rito," wika ng batang kasambahay.
"Naku, wala iyon mainitin lang ang ulo ni Maven kaya siya nagkakaganyan lalo na sa kondisyon niya kaya intindihin na lang ninyo siya, pero mabait si Maven lalo na sa empleyado niya."
"Ngayon lang po bumisita si master Maven dito sa hacienda kaya hindi po namin alam kung paano namin siya pakikisamahan kaya maraming salamat po uli," wika naman ng isang kasambahay na kasama nila.
Magsasalita muli si Saddie nang may bumagsak na naman na gamit na animoy nabasag, agad na pumasok si Saddie sa loob kasunod ng mga kasambahay niyang mga kasama nang makita nilang basag ang isang vase malapit sa hagdan, naroon si Maven habang hawak ang baston, nanlalaki ang mga mata ni Saddie nang didiretso sana si Maven ngunit mabilis na tumakbo papalapit ang dalaga para bahagyang itulak si Maven palayo sa bubog.
"Bumaba ka mag-isa?" sabay tingala ni Saddie sa hagdan.
"Wala naman ibang tutulong sa akin kundi sarili ko lang tapos ang dami pang sagabal sa bahay na 'to," inis na wika ni Maven.
Napakunot-noo si Saddie kay Maven. "Ayos ka lang ba, bakit parang bata kung mag-isip, Maven?"
Nainis si Maven sa tanong ng dalaga sa kanya. "Sinong isip bata?"
"Ikaw," pinipigilan ni Saddie na makabanggit pa siya ng kahit na anong makakasakit sa binata.
"Hindi mo ko maiintindihan, Carmina, kung bakit ako nagkakaganito, hindi ikaw kasi ang nabulag! Pasalamat ka at walang masyadong nangyari sa 'yo---"
"So, it's unfair to you now na nabulag ka at walang nangyari sa akin? Be thankful enough na nabulag ka at binigyan ka pa ng pangalawang pagkakataon, you don't know anything, Maven, you don't know anything, naiintindihan ko na kaya ka nagkakaganyan dahil nabulag ka but don't be self-pity to the extend idadamay mo lahat ng tao rito sa galit mo. Tinutulungan ka namin, lahat ng tao rito concern sa 'yo pero kung pakiramdam mo walang kumakampi sa 'yo, ikaw ang may mali, Maven…" hindi napigilan ni Saddie ang emosyon niya.
Parehas silang natigilan ni Maven, ngunit parang gumaan ang loob ni Saddie na nailabas niya yung saloobin niya ngunit gumuhit ang sakit sa mukha ni Maven.