“Na andito ba si sir Maven?” ito ang bungad na tanong ni Saddie sa bartender sa counter na palaging nag-served ng inumin sa kanyang amo sa bar na iyon. “Wala po siya,” sagot nito. “Ang alam ko umuwi na siya, one hour ago lamang, madam.” Napapikit si Saddie saka muling dumilat bago humarap sa mga nagsasayawan sa dance floor, mas lalong sumasakit ang ulo niya sa lugar lalo na sa malakas na tugtugin nito at malilikot na ilaw sa kisame. Hingal na hingal at pawisan siyang pumunta roon para malaman ang kalagayan ng binata, mukhang pinaglalaruan lang siya ng binata at heto naman siya gustong magpalaro sa binata. Kahit pa nahihirapan siya sa kalagayan niya nagawa pa niyang lumabas para lang tignan ang binata, hindi siya makakatulog sa gabing iyon kung hindi niya malalaman ang kalagayan kung maa

