TAHIMIK lang ang dalawa habang patuloy pa rin ang malakas na hangin at ulan sa labas. Laking minamalas nga naman si Saddie na hindi man lang siya nakapagdala ng phone para tawagan ang mga kasama. Nanatili sila sa ganu’ng posisyon at magkahawak pa rin sila ng kamay. “Sir, okay ka lang ba?” gustong malaman ni Saddie kung gising pa ang binata sa tabi niya. “Hmmm,” tanging sagot ng binata sa kanya. Hindi nakaimik si Saddie nang dahan-dahan isinandal ng binata ang ulo nito sa balikat niya. Naramdaman niya ang mabibigat na paghinga ng binata na para bang inaantok lalo na ang pagbagsak ng ulo nito, kaya inayos ni Saddie ang upo saka inalalayan ang ulo nito ngunit mabilis na kinuha ng binata ang kamay niya kaya natigilan siya. “Sir?” “Don’t be too concerned about who else might misunderstand

