“McKenzie!” sigaw ni Maven sa gulat nang makitang duguan ang tagilirain nito at naliligo na sa sariling dugo nito. Agad na nilapitan ang kapatid na hindi makapagsalita at patuloy sa pagsuka ng kanyang dugo. Narinig ito nila Saddie at Mia. Nabigla rin ang dalawa sa kanilang nakita. Napatakbo si Mia sa binata habang nanginginig na kinuha ang kamay nito. Tumulo ang mga luha nito dahil sa takot at hindi makapagsalita. Tanging nagawa lamang ni McKenzie ay ngumisi kay Mia, gusto nitong abutin ang kamay ni Mia ngunit hindi nito magawa. Kanina lang masaya sila pero bigla na lang itong nangyari. “Tumawag ka ng ambulansya, Saddie!” Napabalik si Saddie sa realidad saka takot na takot na pumasok sa loob. Nang makuha ang phone niya sa bag halos mahulog pa niya ito sa pagmamadali, agad siyang nag-d

