WALA nang balita si Saddie tungkol kay Maven simula nitong huli nilang pagkikita pero kahit ganu’n pa man hindi pa rin mawala sa isipan niya ang mag-alala, pakiramdam niya hindi na siya kailangan nito pero naroon pa rin yung nag-uudyok sa kanya na makita si Maven kahit sa huling sandali. Napapaisip na lamang siya na baka hanggang doon lang talaga ang papel niya sa binata at dapat na niya itong i-let go. Anniversary ng pagkamatay ni Carmina at dumiretso siya sa sementeryo para dalhan ng bulaklak. Nakatanim na iyon sa kanyang isipan na kailangan niyang gawin iyon kada-taon o kaya’y pag may oras siya dumadalaw siya. Hindi niya pa rin makakalimutan ang nangyari, si Carmina ang dahilan kung bakit nagkalapit sila ni Maven ng husto. Alam ni Saddie na marami pa siyang kailangan alalahanin malib

