Nakuha na ni Lady A ang dalawang bihag ko. Pero patuloy pa rin ang death threat na natatanggap ko. Ngayon, ito na ata ang mas malalang araw ko simula nang makabalik ako sa pamilya ko. Mabilis na ang takbo ng sasakyan. Halos paliparin ko na ito matakasan lang ang dalawang kotse na bumubuntot sa akin. May mga sibilyan sa paligid kaya hindi kami pwedeng magharap sa ganitong klaseng lugar nang tumutugin sa akin. Hindi sila pwedeng madamay. "Kuya H?" iyon agad ang bungad ko sa aking kapatid. "Yes?" ani ni Kuya. Tiyak nasa opisina na ito. "May dalawang sasakyan na humahabol sa akin." Kalmadong imporma ko sa aking kapatid. "What?" nakarinig pa ako ng kalabog sa kabilang linya. Natumba yata ang upuan ni Kuya. "I-track mo ang location ko, Kuya. Kakailanganin ko nang maglilinis ng kalat ko