Nakasimangot na pinagmasdan ko si Soul. Nauna itong nagising at ngayon nga'y ginising ako nito na waring takang-taka. Nakaipit pa sa kili-kili nito ang kumot na akala mo ay pinagsamantalahan s'ya sa paraan pa lang nang pagkakatitig n'ya sa akin. "A-nong ginawa mo sa akin?" tanong nito saka sinipat ang katawan nito na tiyak namang walang saplot. Umupo ako na hawak ang kumot upang takpan ang kahubdan. Medyo masakit ang katawan ko, dahil hindi naman ako nakatangi rito, masyado itong malandi. "Ako pang tinatanong mo n'yan? Sa sobrang kalasingan mo'y hindi mo na alam ang nangyari." Naiinis ako, expected ko naman na possible na hindi n'ya maalala ang nangyari kagabi. Pero iyong mukhang luging-lugi s'ya ay iyon talagang ikinainis ko. "Pinagsamantalahan mo ako?" ani nito na waring gulong-g