Chapter 2: Black Elements Gang

1340 Words
Alex's POV "Good morning class" napadilat ako nung may nagsalita na sa harap. Ang prof namin. "May new classmate kayo ngayon galing japan. Come here miss" Kahit ayokong pumunta doon ay tumayo ako at pumunta doon. "Okey introduce your self" "Alexandra Demonise Alcantara, 16 years old" Tahimik naman sila at walang nag iingay. Tumingin ako sa prof namin para sabihing tapos na ako. "A-Ah O-Okey you may sit" Umupo na ulit ako at inub-ob ang ulo ko. Nakakaantok lang ang lesson alam ko na ang mga tinuturo nila. Kael's POV "Bakit ngayon ka lang umuwi? Bakit di ka umuwi kahapon?" bungad na sabi sa akin ni Veronica. "Ano namang pakielam mo?" walang ganang sabi ko. "Asawa mo ako kaya may pakielam ako" Tumingin ako sa kanya ng masama. "Asawa lang kita sa papel hindi kita mahal kaya pwede ba lubayan mo na ako. Nakuha mo na ang gusto mo naging asawa mo na ako kaya lubayan mo na ako" Totoo naman ang sinabi ko eh hindi ko siya mahal, may mahal akong iba at si Eunice yun siya ang gusto kong mapangasawa at mahalin habang buhay kung di lang ako pinakelaman ni lolo siya sana ang pakakasalan ko. Nakita kong yumuko ni Veronica. Tss kung akala niyang maaawa ako nagkakamali siya. "Bakit ba ganyan ka? Lahat naman ginawa ko eh, lahat naman binigay ko sa iyo pero bakit di mo ako magawang mahalin ha? Bakit?" humarap siya sa akin at nakita kong umiiyak siya. "Kahit anong gawin mo hinding hindi kita mamahalin isang babae lang ang tinitibok ng puso ko at yun si Eunice at binigay lahat? Hindi mo binigay sa akin lahat Veronica. Dahil di mo ako binigyan ng anak 16 years na tayong kasal pero ni isang anak di mo ako binigyan, kahit yun na lang sana ang magandang binigay mo sa akin kapalit ng pagpapakasal ko sayo" cold na sabi ko. "Meron naman tayong anak, si Tiffany" "Di ko siya anak, ampon mo lang yun. Inampon mo siya dahil anak siya ng namatay mong kapatid" sabi ko at iniwan siya. Hindi ko anak si Tiffany ang lakas ng loob na isumbat sa akin yun at ayoko sa batang yun napaka spoiled, ini-spoiled kasi ni Veronica. Napakagastos niya. Di ko naman mapagbawalan dahil nagsusumbong siya kay lolo akala mo lolo niya kahit alam niyang ampon siya. Hindi kasi alam ni lolo na ampon lang si Tiffany at di namin masabi yun dahil baka lumala ang sakit ni lolo at baka atakihin siya sa puso. Kahit malakas pa ang katawan niya hindi naman kaya ng puso ni lolo. Pumasok ako sa kwarto namin ni Veronica at kahit labag sa loob ko kailangan kong matulog kasama sa iisang kwarto si Veronica dahil asawa ko parin siya at baka bigla na lang bumisita si lolo. Mahilig pa naman yung bumisita. Alex's POV Nagising ako dahil sa ingay ng bell. Agad akong tumayo, kinuha ko ang bag ko at lumabas. Paglabas ko may umakbay sa akin. "Hime sabay tayo okey?" Tumango naman ako at nagsimula na kaming maglakad. Phoenix's POV "Nix tara break time na" tawag sa akin ni Rome. Tumayo naman ako sa kina-uupuan ko. Nandito kami sa hide out namin ng gang ko. Di kami pumasok kasi na kakatamad dahil first day pa lang. Ako nga pala si Phoenix Oliver Miller. 17 years old. Half filipino half spanish. Meron akong gang ang Black Element Gang. Apat kami sa gang at ako ang leader nila tawag nila sa akin ay King pero ang code name ko ay Fire Demon. Rank 1 ang gang namin sa pilipinas kaya kilala kami di naman kasi kami gumagamit ng maskara. Sikat din kami dito sa Jigoku Academy dahil isa kami sa campus princes. Paglabas namin ng hide out namin bigla kaming nakarinig ng bulungan hindi dahil sa amin kundi dahil sa dalawang naglalakad sa gitna. Isang babae at lalaki at mukhang kambal sila dahil magkamukhang magkamukha eh at parang may kakaiba sa kanila. "Grabe ang ganda at gwapo nila" "Oo nga eh" "Nakita niyo na ba yun bullitin? Ha?" "Hindi pa bakit?" "Kasi nakalagay sila sa campus princes at princesses at alam niyo ba ang nakakagulat nasa top 5 agad sila" "Talaga? Sabi na eh" "Oo si Alexandra ay top 1 sa campus princess at top 2 si Alexander sa campus prince" "At hindi lang sila gwapo at magaganda, matatalino pa sila si Alexander nakakuha siya ng 492 at si Alexandra naman ay perfect 500 ang talino nila diba?" "Oo nga" Sila ba yung bagong studyante at nakakuha ng perfect 500 yung babae? Na daig ako? 495 kasi ang nakuha ko eh. "Mukhang may nakakuha ng trono mo king ah" si Mark "Tss manahimik nga kayo" ako. Napatingin kami nung napadaan na sila sa pwesto namin. Pagtapat nila sa pwesto namin parang may kakaiba akong naramdaman na kakaiba sa kanila. Nagulat ako nung biglang lumingon sa akin yung Alexandra at tinignan ako ng malamig. Bigla tuloy akong nangilabot. Anong nangyayari? Bakit parang may kakaiba sa kambal? At bakit parang nakaramdam ako ng takot nung tinignan ako nung Alexandra? Mahirap mang aminin pero nakakatakot sila may kakaiba sa kanila. Hindi sila mga normal na tao parang kagaya namin sila o higit pa. "King..." Ay ewan naguguluhan ako ngayon ko lang ito naramdaman eh. "King..." Sinundan ko ng tingin ang dalawa habang palayo sila. "KING!" "Bakit?" cold na sagot ko. "Kanina ka pa namin tinatawag na katulala ka lang diyan habang nakatingin sa kambal" Rome. "Oo nga bakit?" Tim. "Wala tara na" Nagsimula na kong maglakad papuntang canteen. Pagpasok pa lang namin sa canteen ay nagtilian na agad ang mga babae pati mga bakla. "Oh gosh, nandito na sila. Maganda na ba ako?" "Oo maganda kana eh ako?" "Yeah maganda karin" "Kkyyaahh ang gwapo talaga nika grabe" "I love you King" "Pakasalan mo na ako prince Jerome" "Please be mine prince Timothy" "Marry me prince Mark" Tss ang O-O.A ng mga babae dito. Parang di sila babae kung umasta eh masyado silang malandi. Habang naglalakad kami napatingin ako sa isang lamesa kung saan nakaupo yung kambal. Kapag tinitignan ko sila kinikilabutan ako. May kakaiba kasi sa aura nung dalawa parang kakaiba. Di ko alam kung ano eh basta malakas ang aurang bumabalot sa kanila di sila pangkaraniwan. Alex's POV "Okey class you may go" Pagkaalis ng prof namin ay nagsitayuan na silang lahat at lumabas. Pagkalabas nilang lahat tumayo na rin ako at lumabas. Nung nakalabas na ako nakita ko na si Xander nakasandal sa pader habang nasa bulsa ang dalawang kamay niya. Meron pang mga babae lumalapit at nagpapakilala. Nakakabwesit sila akala ba nila hahayaan kong maging girlfriend sila ni Xander? Never. Lumapit ako kay Xander at hinila agad siya sa mga haliparot na mga babae doon. "Pwede ba Xander wag kang lalapit sa kanila baka mahawa kapa sa kalandian nila" inis na sabi ko. "*chuckle* opo, di ko naman nakakalimutan yung pangako ko sa'yo na ikaw ang pipili ng magiging girlfriend ko at ako naman sa magiging boyfriend mo" "Tss" Tumawa lang siya ng mahina at ginulo ang buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Kahit may pagka-cold ako may pakielam parin naman ako sa kambal ko lalo na sa magiging girlfriend niya. Ayoko naman na magka-girlfriend siya ng malandi. Kahit hindi halata ay close na close kami ng kambal ko. Pagkadating namin sa parking lot sumakay na kami sa kotse namin at pinaharurot. Pagkadating namin sa mansion nakita namin si mommy sa garden niya na nagdidilig ng mga orchids at roses niya. "Hi mom" bati namin. Humarap ng nakangiti sa amin si mommy. Yan ang gustong-gusto kong makita kay mommy yung ngiti niya at di ko hahayaan na mawala yun. "Hello twins" lumapit kami kay mom at hinalikan namin siya sa pisngi. "Tara kain muna tayo ng miryend" mom. "Okey" kami. Sabay kaming tatlo na pumasok sa mansion. >KinabukasanTo be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD