Chapter 1: The Dangerous Twins

1493 Words
Kael's PoV ~16 years later~ Busy ako sa mga papels ko nung may kumatok. "Come in" Pumasok naman yung kumatok. Di na ako nag abalang tumingin dahil alam ko kung sino sila. "Tapos na ba ang trabaho niyo?" tanong ko. "Oo naman, ang sisiw lang nun" sagot ni Zero. Si Zero at Uno na kakambal niya ang pinakamagaling na assassin sa lahat ng assassin. Pero kung ibabase mo sa performance ng dalawa mas magaling pa din si Uno kahit na babae ito tsaka malamig ang pakikitungo sa amin at minsan ko lang marinig na mag salita puro na lang ang twin brother niyang si Zero kabaligtaran kasi ni Uno si Zero. Si Zero parang bata kung kumilos pero seryoso sa trabaho. Silang dalawa lang din ang di natatakot sa presensya ko kaya nila akong sagutin ng pabalang, di ko pa din alam kung anong itsura nila kakaiba kasi ang maskarang gamit nila di ito natatangal ng kahit na sino except sa kanila at iba din ang boses na ginagamit nila. Sa pagkakaalam ko si Uno ang gumawa ng mga maskara nila pati yung gamit na ginagamit nila magaling kasing mag imbesyon si Uno. Genius daw siya yan ang sabi ni Zero. Ang Roswell clan ang malakas na mafia sa mundo pero kabaligtaran kami ng iba. Kami ang taga alis ng katulad namin minsan kami ang tinatakbuhan ng mga pulis pag dinila kaya ang mga ito. "Mabuti naman maaari na kayong umalis" ako. "May nakakalimutan ka yata Old man" Uno. Hay, ganyan talaga ang batang yan bigla biglang nagsasalita at mautak din yan. Binabayaran kasi namin ang serbisyo nila di katulad ng mga ibang assassin dito membro kasi sila eh itong dalawa pinapatawag lang namin sila kapag hindi na namin kaya ang iba. "Don't worry Uno nakalagay na sa secret acount niyo" "Good" tumayo na sila at lumabas. Kahit isa akong nakakatakot na mafia boss ay natatakot pa din ako sa prisensya ng dalawang yun lalo na kay Uno. Bumalik na lang ako sa ginagawa ko kanina. Zero's PoV "Hime bakit ganun mas malaki ang bayad nila sa iyo kesa sa akin" "Dahil wala kang ginagawa, taga masid lang kita" cold na sabi ng kambal ko. Napa pout na lang ako. 5 milyon lang kasi ang linagay sa acount ko samantalang siya ay 10 milyon. Oo ganyan kalaki ang bayad sa serbisyo namin dahil magaling kami pulido pa ang ginagawa namin at walang sabit. Totoo din ang sinabi ng kambal ko siya lang kasi ang gumagawa ako, tagamasid at parelax relax. Oh well kahit 5 milyon lang malaki na din yun. Hindi namin totoong acount yung ginagamit namin baka masundan at malaman pa nila ang identity namin. Wala kaming pinagkakatiwalaan kahit sino kasi para sa amin ay traidor lahat kaya wala kaming pinagkakatiwalaan except sa mom namin. Nandito kami ngayon sa hide out at nililipat ang pera sa sariling acount namin tapos binibigyan namin si mom ng pera sa acount niya tig iisang milyon lang ayaw kasi ni mom ng madami, pera daw namin yun. Kahit kelan di pa kami humingi ng pera kay mom at yung ginastos niya para mapalaki at mapag aral ng maayos ay binabayaran namin. Kami ang nagpapaaral sa sarili namin. May sarili din kaming business. Yung akin ay pagbebenta ng alak may mga bars na din ako. Si Hime marami malls, restaurants, resorts, airports, villages and school, isa lang kasi ang school na pinatayo niya ang Jigoku Academy o Hell Academy. Kaya ganyan ang pangalan ng school dahil may lahing japanese kami at kung bakit hell academy dahil kapag pumasok ka doon parang nasa impyerno ka dahil hindi ordinaryo ang mga nandoon mga gangster, mafia at assassin. May mga heir at heiress dito. Elite school kasi ang pinatayo ni Hime. Pinatayo niya iyon para sa mga katulad namin na di kayang tanggapin ng ibang school dahil sa ugali nila. Hindi kami doon nag aaral sa japan kami nag aral pero ngayong college kami doon kami lahat kasi meron doon, nursary, elementary, high school at college. Teka sandali ang dami ko ng kinwento pero di pa din ako nagpapakilala. Ako pala si Alexander Daemon Alcantara. 16 years old, ang kakambal ko naman ay si Alexandra Demonise . Assassins kami dalawa isang mabagsik na assassin wala kaming sinalihang kahit anong mafia tinatawagan lang kami kapag kailang kami pagkatapos babayaran at dapat hindi kukulang sa 5 milyon dahil maganda ang trabaho namin kaya malaki ang bayad. "Xander, we're going home" Hime. "Okey" Sumakay na kami sa sarili naming sasakyan, ako naka kotse si Hime ay motor. Nung nakarating kami ng mansion sinalubong kami ni mom alam ni mom ang ginagawa namin. "Hi twins how are you" mom. "Fine" kami. "Nakakapagod nga mom eh" ako. "Tss eh wala ka ngang ginawa, I'm going to my room mom may pasok pa kami" Hime. "Okey" humalik muna sa pingi si Hime bago umakyat. "Si Hime talaga binuko na naman ako" "*chuckle* totoo naman eh, o siya matulog kana its already 1am first day niyo bukas right?" "Yes mom, good mornight" kiniss ko siya sa pisngi bago umakyat. Alex's PoV *tsup* *tsup* "Wake up Hime" *tsup* "Wake up" "Okey, okey get out" ako. "Ai Ai captain" Xander with salute. Childish, nagmana talaga kay mom. Tumayo na ako at pumunta ako sa bathroom para gawin ang morning ritual ko. After kong gawin lahat bumaba na ako para mag almusal. Pagdating ko sa dinning area nakita ko si Xander na nakaupo na. "Good morning Hime" Xander. "Morning" ako. Umupo ako sa upuan kaharap si Xander. Nakita ko naman si mom na lumabas galing kusina. "Good morning, honey" mom. "Morning" ako. Kumain na lang ako ng breakfast pagkatapos namin kumain pumunta na kami sa garage para kunin ang kotse namin, ferrari muna ang gagamitin ko. Nilabas ko na ang kotse ko kaagad ko itong pinaharurot diko na hintay yung pagong na lalaking yun. Pagdating ko sa school pinark ko na ang kotse ko. Di muna ako lumabas ng kotse hinihintay ko kasi yung pagong na si Xander. Pumikit muna ako pansamantala. Mayamaya may kumatok sa pinto ko kaya tinignan ko. Si Xander, binuksan ko ang bintana kasi pinapababa niya. "Labas ka na" Xander. "Tss bagal kasi" ako. "Kasalan ko bang mabilis kang magdrive dahil drag racer ka?" Yeah drag racer ako sumasali ako ng race di dahil sa pera kundi sa kotse. Car and motor collector ako, wag niyo ng itanong kung ilan. Kinuha ko yung backpack ko at nagsuot ng shades pagkatapos bumaba na ako. Pagbaba ko lahat sila nakatingin sa akin. "Ang ganda at ang gwapo naman nila" "Kambal kaya sila? Magkamukha eh" "Sila siguro ang transferies" "Wow new campus heartthrob at campus hottie" Tss. Bumubulong ba yang mga yan? Parang hindi eh. Putulin ko kaya ang mga dila ng mga ito. "Tara na hime wag mo ng pansinin ang mga yan" Sumunod na lang ako sa kanya baka mapatay ko sila ng wala sa oras. Xander's POV Naglalakad kami ngayon ni hime papuntang room namin. Iba ang kinuhang course namin ako business management, si hime civil engeneering ang kinuha. Patuloy pa din ang pag bulung bulungan at alam kong naiinis na si hime. Nung nasa harap na ng classroom si hime nagpaalam na ako sa kanya at pumunta sa classroon ko. Alam kong late na ako kasi malayo ang building ng civil engeneering sa business management. Pagkadating ko sa classroom nakasarado na nga ang pinto kaya kumatok ako. Pinagbuksan naman ako ng prof. "Sir sorry I'm late" ako. Kahit papano may galang parin naman ako eh. "Its okey ikaw siguro ang transfery?" sir. "Opo" "Okey come in and introduce your self" tumango naman ako. Nung pumasok si sir pumasok naman ako. Pagpasok ko tumahimik sila pero after a second nagtilian na sila. Hahaha gwapo ko talaga. "I'm Alexander Daemon Alcantara, Xander for short, 16 years old nice to meet you" Lalo silang nagtilian nung ngumiti ako. Grabe ngiti palang yun ah. "Anong school ang last na pinasukan mo?" sir. "Kyoko Academy sir" ako. "So, sa japan ka dati nag aaral?" "Opo" "Okey may gusto bang magtanong?" sir. Madaming nagtaas ng kamay at puro babae. "Yes miss Elen" "Xander may girlfriend ka na ba?" Elen. "Wala pa" "Bakit naman?" "Kasi yung kakambal ko ang pipili ng babaeng karapat dapat sa akin" "Bakit siya?" "Kasi girl instinct" "Babae ang kakambal mo?" "Oo kaya nga kung sino manggustong maging girlfriend ko sa kanya muna dadaan, ako din ganun kung sino mang gustong manligaw sa kanya dadaan muna sa akin" Magtatanong pa sana siya kaso pinigilan na siya ni sir at pinaupo na ako. Alex's POV Pagpasok ko pa lang sa classroom pinagtitinginan na ako and I hate that. "Ang ganda talaga niya" "Pustahan kaagad yang magiging campus princess" Tss kaiinis. Dumiretso na lang ako likod at umupo sa tabi ng bintana. Kinuha ko ang headset ko. Nilagay ko sa tenga ko at nagplay ng music. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD