Mabibilis ang mga paang tinalunton ang patungo sa cottage kung saan sila maka-check in ni Wynn. Wala na siyang pakialam pa kung mabilad ang katawan sa paningin ng mga taong naroroon. Wala na siyang ibang iniisip ngayon kundi ang pusong nagdurugo at ang sakit ng panlolokong ginagawa ni Wynn sa kaniya. Dinig pa ang pagtawag ni Wynn sa kaniya. Ngunit tila bingi na rin siya dahil sa labis na emosyong nananahan sa kaniyang puso. Halos gusto niyang mawalan ng lakas sa panlulumo sa mga nalaman. Buong akala niya ay tunay na makapangyarihan ang pag-ibig dahil sa kabila ng lahat ay nagawa niya ay minahal siya nito pero lahat pala ay isang pagkukunwari. Masakit pa ay para paikutin siya upang maisakatuparan ang paghihiganting hinahangad. Pagkapasok sa kanilang silid ay agad na ni-lock iyon saka binu